[31.2] Officially a Lunch Date

32.4K 1.1K 85
                                    



~*~

Chapter 31.2

Officially a Lunch Date

~*~


"Di raw lunch date pero ang gara gara naman ng resto na pagkakainan natin." Reklamo ko sa demonyo kong master.


Infairness ang gara kasi talaga! Imagine sa isang 5 star hotel restaurant kami pumunta? Gusto ko ngang umangal pero ang tigas ng ulo at kinaladkad pa ako papasok dito! Tss, so walang choice kaya sumama! Wag na nga akong choosy, libre naman ito eh.


"What do you want? Meeting at a cheap place? Paano kung may makakita sa akin duon?" sagot niya pabalik.


I rolled my eyes at binigyan siya ng nakakainis look. Aba't malay ko ba masyado kang sosyalera at pati pagkain sa fastfood di mo makakaya. Mabuti pa nga si Ezekiel oh! Kumakain nga sa gottohan ng walang angal. Itong isang to, kala mo naman kung sino! Tss, tapunan ko siya ng putik ngayon. Huh!


"OA naman to. Hoy, kala ko ba gangster ka? Sanay ka dapat sa dumi. Ew." Sabi ko at umirap.


"Just eat, slave. May pag-uusapan pa tayo." Aniya.


Dahil sa inis ko ay mabilis kong kinain ang hinandang napakasosyal na pagkain sa akin. Gusto ko sanang kaining ng dahan dahan dahil hindi pa ako nakakain dito pero nakakainis kasi tong panget na master na ito at demand ng demand! Pektusan ko siya dyan eh.


After 10 mins...


"Oh ayan! Tapos na ho master!" medyo pasigaw kong sabi para medyo may tumalsik na butil na kanin sa harap niya.


Bigla naman siyang napamura ng dumampi ito sa kanyang pisngi. Marahas niya naman itong pinagpag gamit ang kamay niya kaya hindi ko mapigilang matawa.


"You f-cking ugly creature! Wala ka bang manners?" galit niyang sabi.


Binelatan ko lang siya. Tss, buti nga sa iyo yan! Che! Che! Che! Dahil sa iyo nawala ang virginity ng nose ko! Si Ezekiel kasi dapat yung ka nose-to-nose ko!


"Straight to the point na nga, master! Dali sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Sabi ko at humalukipkip.


Sumimsim muna siya ng wine bago ako nilingon. Naks, may pa wine wine pa ang loko! Teenager ka pa ano.


"I want to cut the deal off between—"


"Me and you?" pagdugtong ko sabay suntok sa ere.


My gosh, bakit ganun bigla bigla na lang bumabait si master este ang demonyo? Baka naawa na sa akin dahil sa nangyari sa braso ko? Kaya as a sign of apology eh ipapawalang bisa na yung master-slave namin na relsyon? Masyado na kasing cliche sa storya eh!


"No."


Bigla akong napatigil sa pagparty sa isip ko nang marinig ko ang katagang "no". Teka tama ba yung narinig ko? No? As in N-O?

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon