[37] Ligawan & Break-Ups

30.6K 1K 168
                                    


~*~

Ligawan & Break-Ups

~*~

"Nananaginip ka ba, Nine?" tanong ni Snow sa akin.

Nagkibit balikat naman ako at agad hinawakan ang dalawang kamay ni Snow at nilagay ito sa may mukha ko.

"Ewan ko ba Snow, sampalin mo nga ako! Pakiramdam ko kasi naapektuhan na yung ulo ko dahil sa pinagtatapon na itlog sa akin kahapon eh." Sabi ko.

Bigla naman akong pinagsasampal ni Snow. Aba wlang hiya may galit ba tong kaibigan ko sa akin at nilakasan talaga?

"Aray! Teka nga! Masakit ha!"

"Masakit? Edi hindi ka nananaginip." Sabi niya at natawa.

Ngumuso naman ako malamag gising ako. Pero over naman yung ginawa niya. Atyaka paano kung nanaginip lang ako noong gabing iyon at nagsleep walk and all? Kasi totoo ba iyon? Si Ezekiel? ANG ISANG EZEKIEL NG BLACK LIST AY NILILIGAWAN ANG ISANG MAGANDANG KATULAD KO? CHAROT.

"Malamang." Sabi ko.

"Pero seryoso, liligawan ka raw ni Ezekiel? Grabe, angsaya ko para sa iyo Nine." Sabi ni Snow at tumalon talon pa.

Napalingon naman ako sa paligid at tinignan kung may tao ba maliban sa amin dito sa rooftop. Buti na nga lang at kami lang ni Snow. Kaya pati ako na rin ay tumalon kasabay niya at tumili na rin.

"I know right? This is it, Snow! Yung lovelife ko umaarangkada na talaga!" natutuwa kong sabi.

Sino ba ang magaakala na ang ultimate crush mo eh may gusto rin sa iyo. Alam niyo yung akala mo hanggang panaginip na lang lahat na amgkakagusto din yung taong gusto mo sana maging boyfriend pero shet guys heto na o nagkakatotoo na---

"My Loves, finally nakita rin kita!" biglang sigaw ng lalake sa likuran ko.

Nakangiti naman akong tumingin kay Isaiah. Sanay na talaga akong matawag ng My Loves ni Isaiah pero paano pag naging kami na ni Ezekiel (AAAYYYYYYYYY?!?!?!?!) My Loves pa rin ba itatawag ng isang ito sa akin?

"Uy, Isaiah!" sigaw ni Snow.

"Hey~ Snowball!" sigaw rin ni Isaiah at nagfist bump silang dalawa.

"Bakit mo ba ako hinahanap?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Isaiah at agad lumapit sa akin. DAhil sa gulat ko ay napaatras ako pero na out balance rin at matutumba na sana pero nasalo ako ng bisig ni Isaiah.

"H-huy anong kalokohan na-nanaman ito?" gulat kong tanong.

Narinig ko ring napamura si Snow pero hanggang tingin lang siya ngayon sa akin. Huy walang hiya, ano ba to? Bakit ba kinakabahan ako.

"Nine..." seryosong sabi ni Isaiah.

Biglang ngumiwi ang mukha ko. Teka nga, ano ba tong araramdmaan ko? Bakit kinakabahan ako na ewan? Ni hindi nga ako makalunok ng maayos o makahinga ng maayos dito!

"Isaiah---"

"Bakit di mo sinabi na may namamagitan na sa inyo ni Ezekiel!"

°-°

TEKA AN RAW? NAMAMAGITAN? AY PACKING TAPE BAKIT BIGLA AKONG KINILIG?

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Isaiah pero nagulat ako nang bigla akong bitawan ni Isaiah kaya agad akong napahulog sa sahig. Napa-awary naman ako pero nagulat ako ng biglang napaluhod rin si Isaiah sa may harapan ko.

"Nine naman ee! Akala ko may special bonding na tayo? Akala ko pwede na magkaroon ng forever sa akin? Akala ko may pangako tayo sa isa't isa? Na May pakpak na ang pagmamahalan natin patungong forevermore?!"

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon