[1] Wrong Move

118K 2.1K 171
                                    

Chapter 1

Wrong Move

~*~

[Jadine / Nine’s POV]

Nilahad ko ang aking kamay at napatingala sa langit habang pinagmamasdan ang ulan. Ramdam na ramdam ko ang pagbuhos ng ulan sa aking mga palad, masyado itong malakas kahit tag-init naman. Mabuti na lang talaga at nakasilong pa ako sa isang waiting shed malapit sa amin.

Bigla akong napangiti sa aking sarili. Natatandaan ko ang mga ganitong eksena na nababasa ko sa mga libro. Yung tipong ang babae ay naghihintay sa waiting shed dahil ang lakas ng ulan tapos biglang darating si Mr. Right para sunduin siya na may dalang payong. O kaya naman makikita ng babaeng basang basa si Mr. Right kaya sinabayan niya ito at magkakaroon sila ng kissing scene sa ilalim ng ulan.

Ang romantic pakinggan hindi ba?

Pero alam ko namang hindi yan mangyayari sa akin. Nasa realidad ako at 21st Century na, bilang na lang ang mga lalakeng single na ganyan sa paligid natin. Ang malas ko naman at hindi pa ako kasama sa mga bilang na nakabingwit ng seryosong, romantic at stick to one na lalake. Atyaka, hindi na siguro ako makakahanap ng ganun na magkakagusto sa akin. Eh sino ba ako? Isa lang akong hamak na invisible girl na mukhang sadako dahil sa buhaghag kong buhok at pimples kong mahilig mag multiply. Mabuti na lang talaga at sa may noo ko at pwede pang maitago ng bangs ko.

*sigh*

Kailan kaya ako magkakaroon ng----

*SPLASH*

PUSHANGGALA!

Nakatunganga lang ako habang prinoproseso kung ano ba talaga ang nangyari. Teka, nageemote ako sa loob ng waiting shed nang may biglang humarurot na Camaro SS na sasakyan sa harapan ko at natalsikan ako ng tubig na may halong putik sa mukha dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

Biglang uminit ang ulo ko at mabilis na sumulong sa ulan para tignan ang sasakyang papalayo sa akin. Putspa naman oh! Hindi ko pa nakita ang plate number ng sasakyan basta alam ko lang isa yung dilaw na Camaro SS at may sticker na “Caution” sa likod ng sasakyan niya. Walang modo ang driver na iyon, pag kami ay magkikita ulit lagot na lagot talaga siya sa akin! Nagmomoment ako rito tungkol sa malas kong love life eh pati rin pala sa buhay mamalasin ako ng dahil sa kanya?!

“BWISIT NA CAMARO!” sigaw ko habang nakatingala sa langit.   

Dahil basa na lang naman ako ay wala na akong magawa pa at naglakad na lang pauwi sa bahay namin. Sabagay, medyo malapit na lang rin ang village namin dito.

“Ano ka bang bata ka! Bakit ka ba nagpaulan ha? Alam mo namang unang araw mo sa senior high bukas pero may gana ka pang magpaulan. Gusto mo bang magkasakit ha?” sermon sa akin ni mama pagpasok ko ng bahay.

Hindi ko sinagot ang aking mama at agad na umakyat papuntang kwarto para magbihis. Alam kong basang sisiw ako ngayon sabayan pa na medyo maputik ang aking damit. Hindi ko naman to kasalanan eh, actually ang may kasalanan nito ay yung bwisit na driver ng Camaro SS na yun.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon