[7] Kiss

42.9K 1.2K 66
                                    

Medyo late update. Busy na po talaga kasi ako sa college. huhu

~*~

Chapter 7

Kiss

~*~

"13/30 seryoso?!" sigaw ko habang nakatingin sa papel ko.

First quiz pa lang namin sa Trigonometry ay bagsak na ako. Paano na ba to?

"Okay lang yan, Nine. There's still a next time." sabi ni Snow at tinapik ang balikat ko.

Napasinghap naman ako. Ganito na ba talaga ako ka bobo para hindi makapasa? Huhu, Lord. Biyayaan niyo naman ako ng konting katalinuhan man lang para maka graduate ngayong taon. Please lang.

Nakakabad trip na talaga dahil ika tatlong bagsak ko na ito sa isang linggo. Bagsak rin ako sa quiz ko sa Economics at Electronics.

Mas lalo ring guguho ang buhay ko dahil maglilinis pa ako ng tambayan ng Black List mamaya. Pero good thing dahil huling araw ko na ito.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Mabilis kong pinasok sa loob ang lahat ng gamit ko at nagpaalam na kay Snow.

Ang sabi kasi sa akin ni Isaiah ay hintayin ko raw siya sa labas ng classroom nila dahil sabay na raw kaming pupunta ng tambayan nila. Isa rin daw to sa consequence ko dahil binigyan niya ako ng immunity.

Habang naglalakad ako papuntang claasroom nila, which is 4 classrooms away lang, ay hindi mawala sa isip ko ang mga nakakadisappoint kong mga grado. Dapat kasi grade conscious na ako.

Hindi ko namalayam na may makakasalubong pala akong babaeng may dalang sandamakmak na libro kaya nabangga ko siya at sabay kaming napaupo.

"Hala, pasensya na." sabi ko at agad siyang tinulungang ayusin ang mga nagkalat na libro.

Pagkatapos kong tulungan siya ay tumayo naman kaming dalawa. Napatunganga naman ako sa mukha niya dahil mukha siya dyosa. Ang ganda niya.

"S-sorry at nabangga pa kita." sabi ko habang napakamot ng ulo.

Kainis ka naman Nine. Tatanga ka nanaman, ayan tuloy pati si miss beautiful naransan ang katangahan mo. Aish, nakakahiya talaga.

"It's okay." sabi niya at ngumiti ng tipid. "Uhm, mauna na ako."

Umalis naman siya kaagad pagkatapos magpaalam sa akin. Hays, mukhang mabait naman siya dahil hindi niya ako inaway.

"Nine!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at kumaway. Hindi na rin ako nageffort pang ngumiti sa kanya. Bakit ako ngingiti kung nababad trip ako sa grado ko ngayon?

"What's with the face?" tanong ni Isaiah sa akin.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon