[27] Damsel in Distress

35.9K 1.5K 254
                                    

Sorry if late *peace* Hope you'll enjoy!

~*~

Chapter  27

Damsel in Distress

~*~

Dumaretso kaming dalawa ni Aryesa sa field kung saan tanging post lamps lang ang umiilaw sa paligid nito. Hindi naman ganoon kadilim ang paligid, tamang tama lang para sa isang horror movie. Ee, ito kasing si Aryesa may pa field field pang nalalaman. Pwede naman kasing sa coffee shop kami mag-usap! Libre ko pa.

“Ano bang pag-uusapan natin?” nanginginig kong tanong.

Please Lord, wag kayong magbiro ng ganito. Baka bigla na lang umitim ang maputing balat ni Aryesa dahil ang totoo ay black lady pala ang kaharap ko. Oh di kaya biglang may kung anong mga pesteng lalabas sa bibig ni Aryesa. Huhu, nakakatakot naman nun.

“It’s about you.”

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. It’s about me? What about me? What am I supposed to do? I’m gonna leave but I’ll miss you. Ay ano raw, hahaha. High School Musical lang ang peg. Pero seryoso, anong meron sa akin? Bakit kailangan namin itong pag-usapan ngayon mismo?

“A-ako? A-anong ginawa ko?”

Biglang tumawa si Aryesa pero halatang peke naman ito. Napataas naman ako ng kilay. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

“You’re funny but I don’t give a sh-t.” masungit niyang sinabi.

Halos mapanganga ako sa biglaang pag-iba ng kanyang pananalita. All of a sudden naging instant bitch si Aryesa sa akin. Pero ang tanong, bakit?

“H-huh?” naguguluhan kong tanong.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at marahas na hinawakan ang braso ko. Ngumiwi ako sa sakit dahil nabaon ang mga kuko niya sa balat ko.

“Stop acting that you’re a damsel in distress.” Bulong niya sa akin at mas diniin pa ang kuko sa balat ko.

Napapikit ako sa sakit. Pilit kong inalis ang kamay niya sa braso ko pero hindi niya ito binitawan.

“Ano ba ang problema mo sa akin?” tanong ko.

“Ikaw ang problema ko, okay?” aniya at agad kumalas sa paghawak ng braso ko at agad akong sinampal.

Gulat akong napatingin sa kanya at napahawak sa pinsgi kong sinampal niya. Nababaliw na ba ang babaeng ito? Bakit bigla niya akong sinampal? Pinapakita niya ba sa akin ang totoo niyang sarili? Na hindi siya ang taong iniisip ko?

“Bakit mo ko sinampal?” gulat kong tanong..

“Sino ka ba ha? Bakit interesadong interesado ang Black List sa iyo?” mabilis niyang bato sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at medyo lumayo sa kanya at baka masampal niya ulit ako dahil sa panggigigil niya sa akin. Wew, mahirap na at baka magka instant blush on ako sa magkabila kong pinsgi.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon