[32] I Miss You

33K 1.2K 113
                                    


~*~

Chapter 32

I miss you

~*~

Nakatayo ako sa labas ng classroom ng star section. Dismissal na kasi at alam niyo na pag dismissal. He's my tutor na ang peg naming dalawa ni Ezekiel. Pero weird, dalawang araw niya na ako hindi sinisipot sa library. Pang-tatlo na nga ngayon eh. Ano kayang nangyari kay Ezekiel?

"Gosh, bakit may loser dito?" tanong ng isang maarteng babae paglabas niya ng classroom.

Yung ibang babae ay sinasamaan ako ng tingin habag nanlilisik ang mata sa akin. Nu ba yan, masyado ba talaga kayong intimidated sa akin? Mas makapal pa nga siguro make-up niyo kaysa mukha ko. Kaya chill lang!

*WitWew*

Ito namang mga lalake nakakabwisit, naninipol pa. Kainis naman, inaasar talaga ako ng todamax!

"What brought you here?"

Bigla akong napalingon sa taong nagsalita. Akala ko pa naman si Ezekiel na iyon, yun pala si Pierre lang.

"Huh?" gulat kong tanong.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti ng onti nang makita ko siya. Hindi dahil excited akong makita siya! Sus, kung pwede lang magtransfer ng paaralan para hindi siya makita ay ginawa ko na. Hahaha. Pero napangiti ako dahil first time kong makita si Pierre na naghahawak ng mop. Oh my gosh, Pierre Andrew Montereal? Ikaw ba yan?

"Anong ningingiti mo dyan, ha?" irita niyang tanong.

Umiling naman ako at sinubukang gawing seryoso ang mukha ko pero hindi ko na talaga napigilan at napatawa na lang ako. At mas lalo akong natawa nung tinuturo na niya ang mop sa akin.

"F-ck, what is wrong with you?"

"Bagay ka pala maging janitor?" sabi ko sabay hagikhik sa kakatawa.

Oo,gwapong slash demonyong janitor. MWAHAHAHAHA.

"Shut it." Galit nyiang sabi at agad hinagis sa akin mop na dala aniya. "Now that you're here, maglinis ka." Aniya sabay nguso sa direksyon ng classroom niya.

Nanlaki ang mata ko na parang galit na galit. Walang hiyang lalake! Siya ang cleaner tapos ako ang palilinisin? Tapos sa star section pa talaga? Bwisit.

"Sumusobra ka na ah!"

"Sumusobra? It's a blessing. Buti nga hindi ka nasali sa black list." Sabi ni Pierre and rolled his eyes.

Aba't! ROLLED HIS EYES! Naloka naman ako dun koya. Ang OA talaga ng isang ito. Sarap ihampas sa kanya ang dala kong mop.

"Ah ganun po ba, master? Edi, thank you po." Sarkastik kong sabi at yumuko pa na parang yung kay Chichay ang peg nung sa Got to Believe nung nag-sorry siya kay Fafa Joaquin. You know that? Yes, you should know that!

"Tss." Ani ni Pierre at papasok na sana sa classroom nang bigla ko siyang hawakan sa braso.

Sa isang iglap bigla akong nakarinig ng malalakas na bulungan at sigawan. Tinaas ko naman ang kilay ko at napalingon sa paligid namin. Aba't naloko na, teleserye ba ang pinapanuod ng mga ito at parang ang lakas ng reaksyon nila sa aming dalawa ni Pierre? Mga ate! Hinawakan ko lang po siya sa braso, hindi ko po siya hinalikan!

"Ang kapal ng mukha mo para hawakan siya!" sigaw ng isa.

Tss, edi hindi.

Agad kong inalis ang pagkahawak ko kay Pierre at nilingon na lang ang mukha niya. Kainis naman sila oh. Hindi lahat ng babae may gusto kay Pierre! Yung iba kay Ezekiel nahuhumaling. Che! Wag OA.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon