[28] Sleepover

37.5K 1.4K 495
                                    

What team are you in?

#KielNine

#IonDine

#JadAiah

#JadIerre

~*~

Chapter 28

Sleepover

 ~*~

 Tahimik ang buong byahe patungong ospital kasama si Pierre. Diretso lang ang kanyang tingin sa daan dahil mabilis siyang nagmamaneho. Ako naman ay iniinda ang sugat na natamo ko kanina. Hawak hawak ko ang braso ko para pigilan ang dugong dumadaloy dito, kahit nakabalot pa ito ng panyo ni Ezekiel.

 "We're almost there." Seryong sabi ni Pierre.

 Narinig niya ata ang mabibigat kong hininga habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Oo, masakit dahil malaki ang hiwa sa braso ko pero hindi ko ito pinapakita sa kanya dahil alam kong naranasan niya rin ang mga ganito.

 "Master..." pagtawag ko sa kanya. Naiilang kasi akong tawagin siya sa una niyang pangalan.

 "What?" Iritado niyang tanong.

 Naalala ko iyong inilabas niyang baril. Bigla akong pinagpawisan ng malamig habang inaalala iyon. Totoo ba talaga iyon? Gusto ko tanungin si Pierre pero natatakot ako.

 "W-wala." Pagsagot ko.

 Frustrated niyang hinampas ang manibela nang huminto ang sasakyan dahil red pa ang pinapakita ng stoplight. Narinig ko ang mga malulutong na mura ni Pierre bago akong tuluyan na hinarap.

 "What gave you the idea, huh?"

 Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Idea ng ano?

 "Of what?"

 Hinampas niya ulit ang manibela kaya medyo nagulat ako sa ginawa niya.

 "You risking your life out there! Gaano ka ba ka bobo at hindi ka umalis duon nang makita mong may gang fight na nangyayari?" Galit na tanong ni Pierre.

Hindi ako makasagot. Ilang tao ba ang magsasabi sa aking bobo ako? Na wala akong ginawa kung hindi ang makialam at ipahamak ang ibang tao? Ilang ulit ba ako magiging pabigat?

 Napayuko ako at tahimik na umiiyak, hinahayaan ang mga luha na pumapatak. Gusto ko sanang tulungan sila pero nakalimutan kong hindi ko pala kaya.

 "I-i'm s-sorry." Sabi ko habang umiiyak pa rin. Hindi naman ata ito mahahalata ni Pierre dahil nakayuko naman ako.

 Narinig ko ulit siyang nagmura bago tinapakan ulit ang gas at niliko ang kotse sa direksyon ng ospital.

 "Stop crying, slave." Bigla niyang sabi sa gitna ng katahimikan.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon