[3] New Girl

51.2K 1.5K 143
                                    

Chapter 3

New Girl

~*~

Sinusuklay ko gamit ang aking mga darili ang aking buhok habang naglalakad patungong bulletin board. Kailangan ko kasing malaman kung anong section ako.

"Masyadong overwhelming ang pag welcome sa akin, grabe." bulong ko sa sarili ko. "Dinamay pa buhok ko, tss."

Nagkumpulan naman ang mga estudyante sa bulletin board. Yung iba grabe kung makatili. Parang nanalo lang sa lotto ang peg?

"Eeeek! Nasa star section ako! Classmates ko ang Black List." tili ng babae.

Black List. Kung hindi ako nagkakamali sila ang pinakasikat na grupo rito sa SH. Siguro mga gwapo rin ang mga ito.

"Swerte mo girl." komento ng isa.

Lumapit na rin ako sa bulletin board at hinanap ang pangalan ko. Section D. Napabuntong hininga ako. May lima kasing section per year level. Star section (section ng mga sobrang yaman, matatalino at makapangyarihang estudyante) , A, B , C at D section. Mayaman ako, oo, pero hindi ako ganun katalino at makapangyarihan kaya nasa last section ako. Hays.

"Section D, here I come." 

Agad naman akong tumungo sa clasaroom ko. So far so good, walang gumugulo---

"Watch out!"

Lumingon ako dahil sa biglaang pagsigaw. Hindi ko akalain na sa paglingon ko ay makakakita ako ng mga lalakeng nasa sampu na tumatakbo papunta sa akin. Tatakbo pa sana ako palayo sa kanila pero nabangga na nila ako kaya napaupo na lang ako sa sahig.

"Quota nako, grabe." sabi ko.

May biglang lumapit naman na babae sa akin at tinulungan akong tumayo. Pinagpag ko naman ang uniform ko. Great, nakadalawang swimming na ako sa sahig sa isang araw.

"Sorry sa mga inasal ng mga kaklase ko." pagpapaumanhin ng babae.

"Hindi okay lang. Kasalanan ko rin kasi dahil nakaharang ako." sabi ko.

Tumango naman siya. Tumagilid ang ulo ko habang sinusuri ang babaeng tumulong sa akin. Infairness, ang ganda niya. Type ko yung kulay ng buhok niyang golden brown.

"By the way, I'm Snow Delos Reyes. New student ka ba rito?"

Naglahad naman siya ng kamay kaya tinaggap ko naman ito.

"Jadine, Jadine Sarmiento. Nine for short." sabi ko. "Bago lang ako dito, sa section D ako." sabi ko.

"Really? Section D rin ako." natutuwa niyang sabi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Weh? Di nga?" di makapaniwala kong tanong.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon