[4] Enemies' Territory

43.4K 1.3K 83
                                    

Chapter 4

Enemies' Territory

~*~

"I can't believe you forgot my name, Jadine! I mean nagpakilala naman ako sa iyo kahapon. Unbelievable, sa gwapo kong to hindi mo ako natatandaan? Tss."

Nahihiya akong humarap sa kanya habang pinapatuyo ang buhok ko. Sinamahan pa niya ako dito sa clinic para makaligo at makapagpalit ng uniform. Nang dahil rin sa kanya ay tumigil ang mga estudyante sa pagbu-bully sa akin. Tapos kakalimutan ko lang ang pangalan niya?

"Sorry, wala kasi akong nakikitang rason para tandaan ka. Arogante mo kaya kahapon." depensa ko sa sarili. "Tyaka, Nine na lang wag na Jadine."

Di makapaniwalang napatatitig siya sakin. Parang amaze na amaze siya sa mga sinabi ko.

"Isaiah Troy Rodriguez." he calmly said. "Isaiah ang pangalan ko, Nine."

Napatango naman ako at iniisip kung saan ko ba iyon narinig o kaya nabasa. He's name is very familiar.

"Isaiah Troy Rodriquez---"

Ah! Ang pangalan na iyon ang may most number of likes nung nagcomment siya sa article na kinasasangukatan ko. Siya yung nagsabing babae niya ako.

Matalim naman akong tumingin sa kanya habang sinusuri ang kanyang mukha. Ito? Sasabihing babae niya ako? Nagbibiro ba siya?

"Ikaw yung nagcomment ng---seriously?"

Natawa naman siya dahil hindi ko masabi kung anong kinoment niya. Alam ko kasing pinaglalaruan lang ako ng isang to.

"Ginawa ko lang yun para magkaroon ka ng immunity." sabi niya sabay ngiti ng malawak.

"I-immunity?" naguguluhan kong tanong.

Ano nanaman tong pinagsasabi ng isang ito?

Hinawakan naman ni Isaiah ang pulso ko at nabigla sa ginawa niya. Aminado akong gwapo siya at hindi ko akalaing may nakakausap akong gwapo. At hinahawakan pa ako.

"Tara sumama ka sa akin, ipapaliwanag ko."

Hindi ako nagdalawang isip at sumama na sa kanya. Hindi na rin ako pumasok sa first subject ko dahil sobrang late ko na.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang nililibot ang buong paligid.

Hindi ko akalain may ganitong clasaroom sa SHS. Mukha nga siyang condo tignan. May sala, kitchen, at maliit na sofa bed. Napakunot ang noo ko, kailan nagkaganito ang mga paaralan?

"Welcome sa tambayan namin." ngiting sabi niya.

Nagtaas naman ako ng kilay. "Tambayan?"

Tumango naman siya at pinaupo ako sa sofa. Who is he? Parang masyado siyang espesyal. May tambayan pa sa loob ng SHS.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon