[30] Close, Like This

39.1K 1.3K 218
                                    

Writing this chapter made me smile and laugh. Sana kayo rin. Please do comment below para mas maganahan akong mag-update. Let me kow if you like this chapter. Thank you!

~*~

Chapter 30

Close, Like This

~*~


Para akong nabuhusan ng napaka lamig na tubig sa narinig ko kanina. Ni hindi nga ako makalakad ng matuwid dahil sa lecheng lalakeng iyon.


"Leche gising ba talaga siya nun?" Tanong ko sa sarili nang makapasok ako.


Bigla ako nagising sa realidad nang may bigla akong narinig na sigaw. Grabe, naman tong pamilya ko. Kung makasigaw kala niyo naman nasa tabi ko si Daniel Padilla.


"Anak ko! Buhay ka!" Sigaw ng mama ko at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

Kumunot ang noo ko. Teka nga, anong kadramahan nanaman ba ito oh pamilya ko? Bakit may pa buhay ka pang sinasabi?


"What happened to your arm?" Gulat na tanong ni papa.


Kumlas naman sa pagyakap si mama at sinuri ako. Unti unting lunuwa ang mata ng mama ko nang mapagtanto niyang hindi na school uniform ang suot ko at may bandage pa ang kanan kong braso.


"NAY, GANGSTER NA ANG ANAK NIYO!" sigaw ko sa kanila. Pero syempre hindi iyon ang sinabi ko. Joke lang!


"Saan ka ba nagsusuot bata ka ha? Tawag kami ng tawag! Tapos may sugat ka pa! Anong nangyari?" Galit na tanong ni mama.


Agad kong pinaliwanag kung anong nangyari sa akin kagabi. Pero syempre hindi iyong totoo talaga, medyo nabahiran ng white lies. Na may nangtrip sa akin ng mga grupo ng lalake at kinuha lahat ng gamit ko. Mabuti na lang at sinagip ako ng guard at tinawagan ko naman ang kaibigan ko para dun na lang matulog. Ang nakakatawa pa ay naniwala silang dalawa. Buti nga at wala si Tres, nasa school kasi, dahil kung hindi mabubuking talaga ako.


Agad akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Tengene, di pa ako maka get over sa nangyari kaninang umaga. Para akong kumukulong tubig na nagaalboroto dahil sa bwisit na Pierre na iyon.


"Ang galing niya talagang mangbwisit ng tao." Sabi ko sa sarili.


Humiga na ako sa kama ko. Wala nga pala akong cellphone kaya hindi ko matatawagan si Snow para makapagaalam kung balit absent ako ngayong araw.


Masaklap rin isipin na nawala ang books ko pati yung notes ko nung tinuruan ako ni Ezekiel. Nabitawan ko kasi nung hinostage ako ng lalakeng iyon. Paano ba to? Bibili ako ulit? Hays.

***

Naging mabilis ang araw ko dahil buong araw lang akong nakahiga sa kama, nagpapahinga. Ang rami kasing nangyari kagabi na hinding hindi ko makakalinutan. Buong buhay ko na iyon dadalhin.


Maya-maya ay biglang bumukas ng napakalakas ang pinto ko kaya agad akong bumangon. Nakita ko naman si Tres na agad akong niyakap kaya napahiga ulit ako. Lokong batang to! Ang hanep kung makayakap, nakakabigay ng heart attack!

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon