[2] Trouble Again

59.5K 1.5K 110
                                    

Chapter 2

Trouble, Again

~*~

[Nine’s Pov]

 

“Aray ko! Bitiwan mo nga ako! Huy, sabing bitiwan mo ako!” sabi ko.

Sinubukan kong alising ang kanyang kamay na nakahwak sa aking braso. Ang wagas lang kumaladkad ng babae eh! Nasasaktan na ako dito pero siya sige lang ng sige. Atyaka, nakakahiya pinagtitinginan na kami.

“Hoy pangit sabing bitiwan mo ako!” sigaw ko at pinagpapalopalo na ang kanyang kamay.

Pero parang wala siyang narinig galing sa akin dahil patuloy niya lang akong kinaladkad sa lugar na hindi ko alam. Ang sama sama naman ng tingin ng mga babae sa akin habang nakatingin sa braso kong hawak hawak ng lalakeng ito.

“Who’s that bitch?”

 

“Eww, bakit ba siya hinahawakan ni Pierre baby?”

 

“Tss, ang landi lang ah.”

Napataas naman ako ng kilay ang marinig ko ang  mga leche nilang side comments. Aba’t hinusgahan agad ako dahil may kasama akong lalakeng gwapo? Tss, sabagay ganyan naman talaga ngayon. Pagpanget ka tapos kasama mo mukhang si Adonis ay malamang sasabihan ka talagang bitch o malandi. Pero kainis, sino ba talaga ang lalakeng to at bakit parang lahat ng babae ay napapatingin sa kanya? Wag niyong sabihin na heartthrob to.

Bobo ka ba Nine? Sa gwapo niyang yan, malamang popular yan! Duh.

“Bingi ba ang lalakeng to---aray!”

Hindi ko na natapos ang reklamo ko nang bigla niya akong tinulak at nagpagulong gulong sa sahig. Nilibot ko ang tingin sa lugar at napagtanto kong nasa gym kami, walang katao tao rito kundi kami lang. Agad naman akong napatayo kahit masakit pa ang pwet ko at dinuduro duro siya. Kapal ng lalakeng to, porket gwapo siya pwede na siyang bumastos ng ibang taong walang kalaban laban.

“Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na rumespeto ng babae? Ha!” sigaw ko.

Nalilisik naman ang kanyang mga matang nakatingin sa akin at agad na sinampal ang kamay kong nakaturo sa kanya. Agad ko namang binaba ang kamay ko dahil sigurado akong hindi niya ako sasantuhin. Kahit medyo natatakot na ako sa kanya ay hindi ko pa rin ito pinapakita. Laban na ito Nine, wala ng atrasan!

“Can you please shut up? You nagging bitch.” Sabi niya at naisuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

Nagaalboroto na ako dito sa kakatingin sa gwapo niyang mukha. Alam niyo yung nakakahinayang lang dahil ang gwapo gwapo niya pero walang lumalabas sa kanyang bibig kung hindi basura.

“Ikaw ha mura ka ng mura! Alam mo bang masama---“

“Who the hell are you to teach me those stupid manners huh? And who do you think you are to do such thing to my car?” galit niyang tanong.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon