[38] Getting Her Back

30.7K 2K 201
                                    



~*~

Getting Her Back

~*~

"So gusto mong tulungan kitang bawiin si Aryesa sayo?" naguguluhang tanong ko habang naglalagay ng medisina sa likod ng kanyang kanang palad dahil may sugat ito dahil sa pagsuntok niya kanina ng salamin.

"Sort of." Ani ni Pierre.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay pinapahinga na ang ulo sa sofa habang nakalagay ang kaliwang braso sa mata niya. Huminga ako ng malalim, alam niyo kahit papaano naawa ako sa master ko. Hindi ko man alam kung totoo talaga yung nararamdaman niya o pride lang yung umiiral sa kanya ngayon pero to the point na gusto niyang magkabalikan sila ni Aryesa? Aba matinde.

"Okay!" sigaw ko.

Sinilip naman ako ni Pierre kaya ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Operation Getting Aryesa Back! Alam ko tong mga ganito master eh, nakikita ko to sa mga drama o di kaya nababasa ko sa mga libro kaya chokey tutulungan kita---"

"Shut it. I just want you to do the errands for me."

Ah.

Ganun. Yaya?

Ngumiwi naman ako. Hindi pala yung mala-wattpad. Kala ko ba naman ako na yung magiging kupido ng muling ibalik nilang pagiibigan yun pala ako yung magiging event organizer at taga bili ng mga bulaklak para kiligin si ate gurl.

"Ah sabi ko nga."

Pagktapos kong lagyan ng medisina ang sugat niya ay nilagyan ko naman ito ng bandage at pinaikot ikot ito sa kanyang kamay. Kaloka nagfeeling nasa drama at may pasuntok suntok pa sa salamin ang naganap. Yan tuloy.

"Nine." Bigla akong nagulat at napatayo nang marinig ko sa may likuran ko si Ezekiel.

Anak ng tokwa tama pala, naghihintay pala si Ezekiel sa library! Bakit ko ba nakalimutan iyon? Aish, bwisit kasi tong si master may drama pa kasing naganap.

"Ezekiel!" mabilis kong sabi at lumapit sa kanya. "Pasensya na talaga, hindi ko naman sinasadya---"

"Not it's okay." Sabi niya sabay ngiti.

Huhuhu, ang bait talaga ng prince charming ko. Matagal tagal rin siyang naghintay duon. Naku, sana hindi siya na turn off---

"Anong drama to?" natatawang sabi ni Pierre habang minamasahe ang kamay niyang may sugat.

Ngumiwi naman ako, seriously ang epal talaga ng demonyong to! Pwede namang tumingin lang sa eksena namin hindi ba? Hindi yung nakikiepal. Bitter kasi dahil kaka-break lang nila ni Aryesa!

Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Ezekiel at mas nilapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko naman ang paginit ng mukha ko habang nakatingin sa walang ka ekspresyong mukha ni Pierre. Bigla akong kinabahan, sasabihin ba ni Ezekiel na nililigawan niya ako? Edi ibig sabihin nun eh makakamtam ko na yung pinapangarap kong kalayaan?

Pero teka, paano na yung operesyon naming dalawa?

"I'm courting Nine, bro." sabi ni Ezekiel.

Napatingin ako kay Ezekiel na ngayon ay nakangiting nakatingin kay Pierre. Binaling ko naman ang tingin ko kay Pierre na ngayon ay may ngiting mapanuya. Walang hiya, demonyo talaga. Wag mong sabihing lait laitin---

"Well then, I'm happy for you." Sabi niya "But I still need your girl."

Nanlaki naman ang mata ko. Teka, anong ibig sabihin nun.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon