[40] Take-out

30.9K 1.2K 179
                                    


~*~
Take-out
~*~

Hindi ako mapakali sa kakaisip kung saan niya ako dadalhin. First official date namin ito kung saan nanliligaw na talaga siya! Grabe, hindi ako makapaniwala pero guyths it's really happening!

Pero teka, dadalhin niya kaya ako sa isang magarang restaurant? O sa isang cute na coffee shop? O baka yung parang gottohan style pero ibang menu nanaman?

Eyyyy, kahit saan naman siguro ako dalhin ni Ezekiel kikiligin pa rin ako!

"You know I'm a man of few words right? Pero pipilitin ko talagang makipag-usap ng magdamagan pag kasama ka." Bigla bigla na lang niyang sabi sabay liko ng sasakyan.

Agad akong napalingon sa kanya at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing.

"Sigurado ka bang ikaw si Ezekiel Blaine Fuentabella? Ang Mysterious Gangster Prince ng Skylight High? Baka alien na yung nakakausap ko ha." Pagbibiro ko.

Hindi naman sa ayaw kong tanggapin yung mga ginagawa niya para sa akin pero dahil sa sobra sobra kong natatanggap galing sa kanya. Chokey na chokey na kaya ako sa pagiging kaibigab niya pero heto andito na kami sa stage kung saan mas open na siya sa akin at pati ang feelings niya.

It felt so surreal kung baga.

"Silly, of course I'm still Ezekiel but sweeter than ever." Sabi niya at biglang tumawa, "Damn, that was embarrassing."

Bigla namang hininto ni Ezekiel ang sasakyan kaya napalingon ako sa labas at medyo naguluhan nang bigla kaming naglinya sa drive-thru ng Mcdo.

Wait, anong binabalak ng isang to?

"Magtetake-out lang ba tayo?" Tanong ko.

Hindi naman sa ayaw ko yun ideya ng take-out pero kainis baka bigla akong magexpect nito kasi you know naman me.

EH ALAM NIYO YUNG KAKAIN KAMI SA ISANG MATAAS NA LUGAR TAPOS ANG SWEET SWEET DAHIL NAKATINGIN KAMI SA BUONG SYUDAD NA NAKIKITA NAMIN O DI KAYA KUNG GAANO KAGANDA ANG LANGIT OO GANUNG DATE YUNG NAIISIP KO.

"Yah, we have limited time kasi may aftwrnoon classes pa tayo, at may quiz ka pa sa Trigonometry diba." Sabi niya.

Napatango na lang ako habang nag-oorder. Ah, ganda ng date namin. Sa sasakyan lang kami, ako kumakain habang siya naman ay nagmamaneho. Pero unfairness ang sweet kasi inaalala niya talaga ang grado ko.

Nang makuha na ni Ezekiel ang order ay binigay niya ang paperbags sa akin. Sinilip ko naman ang laman at napagalamang pang dalawang tao yung inorder niya.

OH MY GUSTO NIYA BANG SUBUAN KO SIYA HABANG NAGMAMANEHO?!

EY NEKE ENG KELEG NEMEN.

"Dito ba tayo kakain kasi sisimulan---"

"Di ah." Sabi niya at ngumiti.

Tinaas ko naman ang kilay ko. Eh? Anong hindi?

"Eh saan?"

"Basta." Sabi niya at ngumiti ulit.

Naku, tigil tigilan mo yang pagngiti mo Ezekiel at baka bigla na lang akong makasigaw ng Yes dito!

Hindi na ako nagsalita pa at nakatingin lang sa labas. Pero bakit ganun? Bakit papunta na kaming Skylight?

"Teka..." Mahinahon kong sabi.

Agad namang niliko ni Ezekiel ang kanyang sasakyan papunta sa harap ng main building. Teka, wag niyanh sabihing dito siya magpaparking? Kung saan maraming estudyanteng nakatambay dahil lunch break pa.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon