[19] NgaNga

37.6K 1.2K 78
                                    

Pasensya na ho at ngayon lang nakapag-UD. Nadelete kasi yung dapat kong update kasi nasira phone ko so yeah, nagsulat ulit ako. 

~*~

Chapter 19 
Nganga

~*~

Naglalakad ako patungong SHS at napatingin sa relos ko. Anak ng--- 10:30 am na! Naku late na late na talaga ako!

Tinakbo ko na ang natitirang agwat patungo sa SHS. Dahil siguradong patay ako nito.

Nakakainis kasi, pinagtripan ni Tres ang alarm clock ko na imbes 7 am ako magising naging 10 am. Siguradong lagot ako nito kay---

"Are you f*cking messing with me slave? I have waited for 30 damn minutes for you!"

Napapikit ako sa sobrang lakas ng pagsigaw niya sa akin. Napa face palm ako sa sarili ko. Pero dadaanin ko na lang sa biro ito at baka madala pa! Please.

"Ito naman, sinubukan ko lang kung boyfriend material ka talaga para maging bagay naman kayo ni Aryesa." Sabi ko at ngumiti ng malawak.

Pero hindi ata effective ang biro ko at padabog akong nilapitan at hinawakan sa braso.

"No one---"

"Dares to talk to me like that?" Pagdugtong ko sa sinabi niya at nag-peace sign.

Bigla niya naman ako minura at agad kinaladkad papasok ng kanyang sasakyan. Tss, akala ko mawawala yung galit niya pag nagjoke ako. Yun pala mas lalong lumiyab!

"Do that again and I'll cut your tongue off." Seryoso niyang sabi habang nagmamaneho.

Humalukipkip na lang ako at kunware ay naiinis at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Opo master." Ani ko.

Tila ba mukha akong nasa jet plane o drag racing dahil sa bilis ng maneho ng demonyong ito. Mukhang hindi nga ako nakahinga ng maayos. Akalain mo yun, dapat 15 minutes ang byahe patungong mall tapos naging 5 mintues?!

Limang minuto lang!

"Papatayin mo ba ako sa takot ha?!" Sigaw ko nang makalabas na ako ng kanyang sasakyan.

Walang ka ekspresyon niya lang akong tinitigan at nagkibit balikat.

"I don't f*cking care." Ani niya at nauna ng pumasok papuntang mall.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatalon sa inis habang ginugulo ang buhok ko. Nakakainis na ang lalakeng iyon! Bwisit! Bwisit! Bwisit! Tignan mo! Dahil sa kanya ay napapamura ako ng wala sa oras. Argh!

Agad ko naman sinundan ang master ko sa loob ng mall. Kumain muna kami ng lunch sa isang magarang restaurant bago ako kinaladkad papuntang derma clinic. Oh sige, ganoon? Kinaladkad niya ako rito dahil kailangan ko ito?

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon