[17] Do It

39.2K 1.1K 119
                                    

Hi :) Usap tayo minsan guys. Lab lab <3

 ~*~

Chapter 17

~*~

 Padabog kong nilagay ang pagkain ko sa lamesa at umupo duon. Nakakabad vibes lang kasi dahil halos lahat ng tao ay pinaguusapan ako o kung hindi ako ay si Ezekiel at Aryesa naman o kaya naman ay ang pagkawala ng demonyo kong amo.

 Oo nawawala po si Pierre Andrew Montereal.

╰( ̄▽ ̄)╭☆ミ ☆彡

 Tatlong araw ng missing in action ang kumag na iyon at wala akong ideya kung bakit. Huli ko siyang nakita nung Lunes na may kasuntukang bata. Nasaan na kaya yun?

 "Anyare dun sa master mo?" Tanong ni Snow habang ngmungiya ng pagkain.

 Nagkibit balikat lang ako at agad nilantakan ang binili kong burger habang tinitigan si Ezekiel sa kabilang table.

 Medyo malayo naman inuupan ng Black List minus Pierre pero sapat na ito para masilayan ang kagwapuhan ni Ezekiel.

(*^﹏^*)

Pero nakakalungkot lang dahil hindi na ulit kami nagusap ulit. Parati ko lang naririnig ang pangalan niyang sumasabit rin sa pangalan ni Aryesa. Oo, tanggap kong may nakaraan sila pero masakit pa rin isipin na baka ngayon na andito na si Aryesa ay magkakabalikan sila.

 Magiging kontrabida na ba ako kapag sasabihin kong sana hindi sila magkatuluyan?

 "Look!" Ani ni Snow at ngumuso sa likuran ko.

 Lumingon ako at nakita ko si Aryesa na nakangiting naglalakad kasama ang alipores niya. Ah oo, mabait siya kaya madali lang siya makakahanap ng mga kaibigan. Liningon ko rin si Ezekiel at nakitang kay Aryesa rin siya nakatitig.

 

Sana ako na lang...

Nakita kong tumayo si Ezekiel at lumapit papunta rito. Lumingon ulit akp sa likod ko at nakitang papunta rito si Aryesa. Napataas akp ng kilay, sasalabungin niya si Aryesa?

 Nasagot ko naman sarili kong tanong ng hinarangan ni Ezekiel ang dinadaanan ni Aryesa which is sa tapat lang namin. Great, gusto pa atang ipamukha sa akin ng universe ang meron sa kanila ni Ezekiel at Aryesa.

 "Yesh, Let's talk." Pabulong na sabi ni Ezekiel pero dinig na dinig ko naman.

 "Ezekiel, wala na tayong paguusapan pa---"


 Nanlaki ang mata ko ng biglang hinawakan ni Ezekiel ang braso ni Aryesa at napayuko. Oh my gosh.

 "Please..." ani ni Ezekiel.

 ●△●

 Halos lumuwa ang mata ko at tenga ko sa narinig ko. Ezekiel just said please. He just said PLEASE. Alam niyo kung gaano kahirap ibaba ang pride ng heartless gangster na ito? Mahirap! Pero pag si Aryesa parang hindi siya magdadalawang isip para ibaba ito.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon