[31.1] Lunch Date

38.9K 1.2K 174
                                    

Yung nagtatanong kung anong mukha ni Tres... ayan nasa itaas. Gwapo noh? Yieee.


~*~

Chapter 31

Lunch Date

~*~


Hindi ko mapigilang ngumiti habang naglalakad sa hallway. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon kagabi pero nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay sumaya ang gabi ko.

 

*flashback*


Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa side table at dinungaw kung sino ang tumatawag.

 

Ezekiel Blaine Fuentabella calling...


Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang pangalan ni Ezekiel sa cellphone ko. Anak ng, kailan pa nakaregister ang number ni Ezekiel sa phone ko?


(⊙o⊙)?


Hala baka siya ang naglagay?


Hindi ko napigilan ang mapatalon sa kama. Shete, tinawagan niya talaga ako! Tumawag talaga siya ahuhuhuhu.


Nilingon ko ulit ang cellphone ko at sasagutin na sana ang tawag nang bigla itong tumigil at naging missed call.


( ° △ °|||)︴


Packing tape naman oh! Dahil sa saya ko ay nakalimutan kong sagutin ang sagot niya. Wushu, bakit naging abo pa ang pinakahihintay kong ginto.


Pero daebak! Nagulat ako nang nagring ulit ang cellphone at nakitang si Ezekiel ulit ang tumawag.


╰( ̄▽ ̄)╭


He called again!


Kaya ngayon sa pagtawag niya ulit ay sinigurado ko na talagang sasagutin ko ito. Aba! Paminsan paminsan na nga lang ito nangyayari, aangal pa ba ako?


"H-hello?" Tanong ko. Pero takte  pinipigilan ko ang kilig ko sa mga oras na ito.


"Am I bothering you?" Tanong niya sa kabilang linya.


Halos ma-ihi ako sa kama ko dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses ni Ezekiel sa telepono. Ganito pala ang pakiramdam na nakikipag-usap ka sa crush mo sa telepono, langit! Tapos dagdag kiligness pa dahil ang lalim lalim ng boses niya, nakaka in love!


"O-oy hindi ah! Pasensya na at ngayon ko lang nasagot." Kinikilig pa kasi ako sa iyo ee!


"No, it's okay. So, how's your arm?"


Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong tumili. My gash, grabe! How's your arm nga lang yung sinabi parang feeling ko naman nagpropose na iyong tao!

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon