[14] With Him

36.5K 1.2K 97
                                    

Thank you readers for the support! 

~*~

Chapter 14
With Him

~*~

"Ate, may naghahanap sa iyo sa baba!" Sigaw ni Tres habang kumakatok ng pinto.

Pinatay ko muna ang laptop ko at nagayos ng konti. Sigurado akong sina Ion at Isaiah na iyon. Nagplano kasi kaming bibisitahin namin ngayon si Snow sa ospital. Pagkatapos kong magayos ay binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa akin ang nanliliit na mga mata ni Tres na nakatingin sa akin.

"Oh bakit?"

"Anong gayuma ang  pinainom sa kanila ha?! Umamin ka, Jadine Sarmiento!" Ani ni Tres.

Pinitik ko naman ang noo ni Tres at bahagyang tumawa.

"Wala ka talagang tiwala sa kagandahan ng ate mo noh?"

*WAPAK*

"Tristan Kyle Sarmiento! Bakit mo ko binatukan?" Sigaw ko 

"Assuming mo kasi, dalian mo nga dyan at wag mo ng pahintayin ang tatlo." Ani ni Tres at nauna ng bumaba.

Teka, naguguluhan ako. Tama ba ang narinig ko? Tatlo silang naghihintay sa akin? Ion, Isaiah and...?

●0●

Patakbo akong bumaba ng hagdanan muntik pa nga ako matalisod pero buti na lang ay nakahawak ako sa railings. Nang makababa na ay hindi ko mapigilang lumaki ang aking mga mata. I can't believe this.

"B-bakit k-ka and-dito?"

"Huh? Akala ko pupunta---" Ion.

"No, I mean him!" Sigaw ko at tinuro ang walang pakeng si Ezekiel habang nakaupo at nakapaslak ang earphones sa tainga.

~^O^~

Totoo ba itong nakikita ko? Kasama nila si Zeke? Pero bakit? Bakit? Anak ng, kinikilig ako!

"I was bored." Sabi niya at nagkibit balikat.

Lord, maraming salamat po at na bored itong si Zeke kaya napagdesisyunan niyang sumama sa amin. Maraming salamat rin po at hindi namin kasama ang demonyo kong master ngayon. Maraming salamat po!

"Ah--ganun ba. S-so ano? T-tara na?" Nauutal kong tanong.

Nine, kung ayaw mong mabuking wag ka namang magpapahalata. Pag ikaw nabuking na crush mo si Zeke naku wala ng ganitong eksena sa susunod.

"Yup, tara na. Nasaan ang mga magulang mo, Nine? Magpapaalam muna kami." Isaiah.

Umiling naman ako. "Wala eh, busy." Ani ko.

Si mama kasi may pinuntahan, meeting ata para sa pinaplano niyang negosyo. Si papa naman ayun, busy rin sa negosyo. Parating busy ang mga magulang ko lalo na si papa pero okay lang. Di naman ako nagtatampo.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon