[15] Tripped

37.3K 1.1K 53
                                    

Chapter 15

Tripped

~*~

"Nine, bakit ka ba nakasimangot dyan?" Isaiah.

Umiling lang ako at ngumuso. Ewan ko medyo nawalan ako ng gana ngayon. Oo, binisita namin si Snow pero nakakainggit dahil halos si Ezekiel at Snow lang ang naguusap. Gusto kong makisawsaw. Pero dahil "family friends" sila ay pagbibigyan ko na.

"Nine, may problema ka ba?" Tanong sa akin ni Ion

Umiling naman ako. Hinipan ko ang bangs na tumatakip sa mata ko at inayos ito. Ano ba yan, nastrestress na ako dito! Ang daya, hindi man lang sinabi ni Snow na family friend niya ito. Tss, tapos naalala ko yung binully ni Snow na si Aria ba iyon? Sabi ni Rikka binully niya raw kaibigan niya para mapalapit sa Black List pero hello magkakilala naman sila ni Ezekiel edi sana---

"Seriously, Nine? Natatae ka ba?!" Sigaw ni Ion.

Agad ko naman siyang binatukan. Anak ng, nakakahiya yung ginawa ni Ion! Lumingon pa dito si Ezekiel. Nu ba yan, nababad shot na ako kay Ezekiel e.

"Ulol hindi! Gutom lang." Sabi ko.

"Gusto mong kain tayo?" Isaiah.

Umiling naman ako. Siguro kailangan ko munang magisip isip kung bakit para na akong baliw sa kakaisip nitong kay Ezekiel.

"Wag na ako na lang." Ani ko at tumayo na.

"Samahan na kita, Nine." Ani ni Ion.

Umiling lang ako at tipid na ngumiti.

"Okay lang ako, bantayan mo na lang si Snow." Ani ko at binuksan na ang pinto. "Balik lang ako." Pagpaalam ko.

Napasinghap naman ako nung tuluyan na akong nakalabas ng kwarto.

"Nine, si Snow na ngang nagsabi na family friend lang hindi ba? Friend lang friend!" Bulong ko sa sarili.

Napakamot na lang ako sa ulo at naglakad palabas ng ospital. May 7/11 kasing malapit rito kaya dun na lang muna ako tatambay.

Habang naglalakad ako ay nakatingala ako sa langit. Iniisip ko kasi kung magdududa ba ako kina Ezekiel at Snow? Aish, hindi ko alam. Kanina mukha namang normal si Snow habang nakikipagusap kay Ezekiel. Ganun din naman si Ezekiel yun nga lang nagsasalita talaga siya. Hindi yung parang tipid.

"Nu ba yan, ang dami kong drama. Sabi ng magkaibigan---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong natalisod at nadapa dahil sa malaking batong nakaharang sa daan ko. Forever clumsy ka talaga Jadine Sarmiento!

"Are you that clumsy?"

Nanigas ako habang nakadapa pa rin sa sahig. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Parang sa isang iglap bumilis ulit ang tibok ng aking puso at may kung anong mga hinayupak na mga kulisap ang nagwawala sa tiyan ko.

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon