[11] Taste of Their World

37.4K 1.3K 97
                                    

New update! Palakpakan! Kahit masyado ng busy sa college sige pa rin haha.

~*~

Chapter 11

Taste of Their World

~*~

Nagulantang ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinapasok ako ng guard sa bar. May kung anong binulong si Ezekiel sa guard kaya tumango lang ito at pinabayaan akong maka pasok kahit naka school uniform ako.

Hapon pa lang kaya wala masyadong tao sa loob ng bar. Hindi rin malakas ang transition ng music kaya hindi nakakabingi pero dim na ang lights rito. Ngayon, paano ko mahahanap si Pierre rito?

"Nasaan siya?" tanong ko habang luminga linga sa paligid.

Handang handa na akong sugurin siya. Kukunin ko ang hustisya para sa aming dalawa ni Snow! Ipapakita ko sa kanyang kaya ko siyang labnan! Mwahahaha!

Hindi ko pa narinig na sumagot si Ezekiel ay natanaw ko na ang demonyo niyang kaibigan sa dulo ng bar na nakaupo habang may nakalatag na mga bote ng beer sa lamesa. Kasama niya rin dito sina Ion at Isaiah.

Are they drinking?

Nilagpasan naman ako ni Ezekiel ,Zeke na lang, at pinuntahan na ang table nila Pierre. May binulong naman ito kay Pierre dahilan para ibaling niya sa akin ang tingin niya. Mukha namang nairita si Pierre sa presensya ko at nilagok ang hawak hawak niyang beer. 

Huminga naman ako ng malamin. This is it Nine. Magpakatatag ka. Wag kang matakot sa kanila, kailangan mong maibalik ang iyong kalayaan. Kailangan mabuhay ka ng mapayapa para wala ng masaktan pa.

Padabog akong lumapit sa table nila. Nakita ko naman ang mga gulat na mukha nila Ion at Isaiah. Tss, nabuga pa nga ni Isaiah ang iniinom niyang alak.

"Nine.." ani ni Isaiah.

Hindi ko siya pinansin at hinarap si Pierre dahil siya naman talaga ang pakay ko dito.

"Hoy, anong karapatan mo para manakit? Hindi na nakakatuwa ang laro mo!" Sigaw ko.

Bigla naman siyang ngumisi at napailing. Hindi niya ako sinagot o kahit liningon. Matigas rin ang ulo ng isang ito eh.

"Alam mo bang naaksidente ang kaibigan ko dahil sa kalokohang ginagawa niyo? Muntik na kayong makapatay ng---"

"I kill people so it's just normal---"

*PAK*

Mukhang naestatwa sa kinauupuan nila sina Isaiah at Ion sa ginawa ko. Si Ezekiel naman ay napainom lang ng alak. Nanatiling nakataligid ang mukha ni Pierre dahil sa pagsampal ko.

"Hindi umiikot sa iyo ang buong mundo. Hindi mo rin hawak ang mga tao. Hindi kami mga gamit na pwede mong paglaruan at kapag sira na ay itatapon mon na lang. Wala kang karapatan. Wala kang karapatan parasaktan kami ng---"

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon