"Anak bakit ang daming flour na nagkalat dito?" tanong ni Mama sa akin.
"I'm practicing baking Ma." sagot ko at ibinalik muli ang atensyon sa paggawa ng muffin. Nagresearch talaga ako sa paggawa nito. Pero ibang research ang ginawa ko dahil ang kailangan kong matutunan ay kung papaano ko magagaya yung lasa nung muffin na tinda sa caffeteria.
"Para saan?" tanong ulit ni Mama sa akin.
"Meryenda ko po sa school. Minsan po kasi di na ako nakakakain kapag nagugutom ako sa practice." palusot ko. Mukhang naniwala naman si Mama kaya pinagpatuloy ko nalang ang paggawa.
Hindi ko alam kung kailan ako natapos pero after 3 days siguro saka ko lang naperfect yung muffin na yun at ngayong Monday, dala-dala ko yung muffin na gawa ko pati na rin yung jacket na pinahiram sa akin ni Gabriel.
Maaga akong pumasok para ipuslit yung gawa kong muffin sa locker ni Gabriel para sa umaga palang ay makikita na agad nito iyon.
Gusto ko sanang sabay nalang ibigay yun tsaka yung jacket niya pero kinakabahan kasi ako sa reaction niya kaya hindi ko muna ipapaalam na ako ang may gawa nun.
Pagkatapos kong ilagay yun sa kanyang locker ay lumabas muli ako sa school at naghintay ako sa gate para makita ko agad siya at maisoli ko yung jacket niya.
Halos kalahating oras siguro akong naghintay nang makita ko na itong papasok kaya mabilis ko siyang sinalubong .
"Hi!" nakangiting bati ko sa kanya. Napahinto naman ito sa paglalakad at seryosong tumingin sa akin.
"Ah i-isosoli ko nga pala yung jacket mo na pinahiram mo nung sports day. Salamat talaga." kinakabahan kong sabi pero agad nawala ang ngiti ko sa isinagot nito.
"This is not mine. Inutusan lang akong ibigay 'to sa'yo nung teammate ko." malamig nitong sagot. At dahil dun nawasak na naman yung pag-asa ko. Akala ko kusa niyang binigay yun. Hindi pala. Wala ka talagang chance sa kanya Venus.
"G-Ganun ba? Pakisabi salamat sa kanya. Sige u-una na ako." paalam ko sa kanya at nagmadaling umalis. Muntik pa akong matalisod sa kakamadali pero hindi ko na iyon inalintana dahil balik zero na naman ako. Akala ko talaga may something na. Ang hirap talagang umasa.
"Oh bakit ganyan itsura mo? Ang aga-aga." sabi ni Elle nang dumating itonsa classroom.
Tumingin ako sa kanya. "Malabo ba akong magustuhan? I mean hindi ba ako attractive sa mga lalaki?" tanong ko sa kanya. Natigilan namin ito sa itinanong ko kaya binawi ko ang tingin sa kanya at nagmukmok nalang ulit.
"Seryoso ka Venus? Ikaw ba talaga 'yan?!"
"Tss!" inirapan ko siya.
"Sino yung lalakimg gusto mo? Si Gabriel ba?" nagtatakang napatingin ako muli sa kanya.
"Umamin ka na ilang beses na kitang nahuhuling nakatitig sa kanya." sabi nito kaya wala akong nagawa kung hindi umamin.
"Grabe! Ginawa mo yun para sa kanya?!" tukoy nito sa desisyon kong mag-aral dito. Tumango naman ako bilang sagot.
"Pero hanggang tingin nalang talaga yata ako. Tingnan mo oh." sabay turo ko sa labas kung saan nakaupo si Gabriel katabi si Pristine.
"Ang alam ko si Pristine lang naman ang lapit ng lapit kay Gabriel, ni hindi nga lumalapit si Gabriel sa mga babae eh." saad nito.
"Pero nilapitan niya ako. Ilang beses pa." bulong ko sa sarili. Hayan ka na naman self pinapaasa mo na naman sarili mo.
28 days nalang bago ang opening ng bagong season ng SAU kaya naman puspusan na ang pagpa-practice namin. Sobrang proud ako sa mga teammates ko dahil kahit wala kaming coach hanggang ngayon, ginagawa talaga nila yung best nila para matuto. Pumupunta na rin sila sa school gym para mas maging fit daw sila.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...