Chapter 15

15.3K 406 80
                                    

Biglang lumiwanag ang mukha nito sa pag-amin ko. Kitang-kita ko ang pigil niyang pagngiti pero sa huli ay sumuko rin ito.

"Masaya ka na?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng todo.

"Sobra." sagot nito kaya ako naman ang namula ang mukha sa pagpipigil ng kilig.

Hindi naman nagtagal ay pinaandar na muli nito ang kanyang kotse at sa buong byahe ay panay nakaw tingin sabay ngiti lang kami sa isa't isa dahil sa aminan na nangyari kanina.

Tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng bahay namin.

"So..." panimula nito.

"So...?" balik ko.

"Are we official now?" tanong nito.

"Ano sa tingin mo?"

"Do I need to court you pa?"

Ang conyo. "Hindi pa ba tayo?"

"What? I'm asking you that earlier." naguguluhan nitong sagot. Binibiro ko lang naman siya kasi ang cute niya kapag litong-lito siya.

"Ano ba sabi ko?" natatawang tanong ko na naman.

He then stop talking to me and just glared at me. Hindi ko tuloy napigilan yung tawa ko.

"Sorry! Ang cute mo kasi e." sabi ko sa gitna ng pagtawa.

"Silly." iyon lang ang sinabi at napangiti na din.

"So are we in a realtionship now?" tanong muli nito. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya bago tumango.

Nag-usap pa kami ng matagal sa loob ng kanyang kotse bago ako nagpaalam sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko agad sina Mama at Papa sa sala habang nanonood ng basketball game. I think yung   susunod na makakalaban ng team nila Papa yung pinapanood nila.

"Ma, Pa andito na po ako." sabi ko sa kanila bago umakyat sa kwarto ko pero napahinto ako nang sumagot si Papa.

"Alam namin, kanina pa." biglang nanlaki ang mga mata ko at magsasalita pa sana ako pero nakafocus kasi sila sa panonood ng basketball kaya kahit mag-explain ako ay hindi rin lang makikinig ang mga ito sa akin.

Nagshower muna ako at nagbihis ng pantulog bago ko tiningnan yung phone ko. Napangiti naman ako ng mabasa ang text sa akin ni Gabriel. Nagpalitan kami ng number kanina bago ako pumasok sa loob ng bahay.

From: Boyfriend ko.

I'm home.

Iyon kasi agad naisip kong name niya sa contacts ko kaya iyon na inilagay ko. Tsaka matagal kong hinintay to kaya excited lang akong pangalanan siyang boyfriend ko.

To: Boyfriend ko.

Mabuti naman. Kain ka na, wag ka papalipas ng gutom.

Shocks! Hindi ako sanay sa mga ganitong conversations sa texts! Feeling ko tuloy ang oa ko. Napaghahalataang wala akong karanasan sa ganito!

From: Boyfriend ko.

I'll eat later. How 'bout you?

Bakit kahit ganito lang kinikilig na ako? Nababaliw na ata ako.

Lumabas agad ako ng kwarto ko habang nagtetext sa kanya kaya hindi ko napansin na nasa hagdan na ako. Muntik pa akong madulas! My god! Venus! Umayos ka!

To: Boyfriend ko.

Kakain palang.

From: Boyfriend ko.

Okay. Eat first, I'll just take a shower then I'll call you.

Bigla naman akong na conscious bigla sa boses ko kaya mabilis kong tinawagan si Elle.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon