Chapter 24

12.8K 335 34
                                    

"That's it for today. Take a good rest." pagtatapos ni Elle sa maikling meeting namin pagkatapos ng puspusan naming practice.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Kamusta? May nahanap ka na bang coach?"

Huminga ito ng malalim at malungkot na tumingin sa akin.

"Wala pa rin. Kinukutya pa nga nila ang team natin dahil sa pagkatalo natin against Traelhore. Madali na nga daw kalaban ang Traelhore hindi pa daw natin sila natalo."

"Sana naisip nila na wala tayong coach at mga staffs na tutulong sa atin para mas mapalakas ang team. Nakaya naman natin talunin ang Eastwood na wala 'yun eh. Hindi ba nila makita na may potential ang team natin?" naiinis kong sumbat.

"Ewan ko pero meron naman ibang mga coach na parang gustong tanggapin yun offer ko pero parang may pumipigil sa kanila."

"Pumipigil?"

"Oo. Parang natatakot sila."

Napairap ako dahil dun.

"Dapat nating galingan sa next game natin at baka may magbago sa desisyon nila." sabi ko nalang bago pumunta sa locker room para mag-ayos.

Matapos 'yon ay nagtungo na ako sa parking lot ng school dahil doon naghihintay sa akin si Gabriel.

Kahapon ay nanalo ang team nito sa kanilang laban at siya ang naging best player. Namiss ata nitong maglaro sa mga official matches at nagscore lang naman ito ng 30 points.

Dahil dun ay mas lalong umugong ang pangalan niya at nagtrending pa siya sa social media. Gaya nga ng sinasabi nila, mas sikat talaga ang men's basketball sa buong bansa.

May ipinakita pa sa akin sina Ashley na viral post sa facebook kung saan naroon ang mga pictures ni Gabriel noong siya ay nasa highschool pa.

Nakalagay pa sa caption ang mga ilang detalye tungkol sa kanya pero hindi nila inilagay doon na may girlfriend na siya pero binalewala ko nalang 'yun. Ang mahalaga, sa akin na siya ngayon.

"Hi! Sorry nainip ka ba?" bati ko sa kanya nang buksan nito ang pinto sa passenger's seat kung saan ako uupo.

Pumasok agad ako at pagkaupo ko ay sinara ko na agad iyon. Lumingon ako sa kanya pero natigilan ako nang salubungin nang mga labi nito ang labi ko at bigyan ako nang isang mariing halik.

Kahit nagtataka ay tinugon ko agad iyon. Tumagal ang halik na iyon at nang maramdaman namin ang kakapusan ng hangin ay hinihingal kaming naghiwalay sabay tumitig sa mga mata ng isa't isa.

"Why?" hinihingal kong tanong sa kanya.

"I know you're tired. Gusto ko lang bawasan." sagot nito. Natawa naman ako.

"By kissing?" nakangiti kong saad.

"Yes. Para malipat sa akin yung pagod mo." seryoso nitong sagot na lalong nagpatawa sa akin.

"Mga rason mo, gusto mo lang akong halikan eh."

Natawa ito sa sinabi ko ganun din ako bago ko siya hinila ulit at saka ako naman ang humalik sa kanya. Sobrang pagod ako e.

Nabigla ito sa ginawa ko pero sandali lamang iyon at gumanti agad ito sa halik ko.

We've been kissing for like minutes already when I felt his left hand gently caressing my underboob.

Napasinghap ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko mula sa paghaplos nito. Tumigil ako sa paghalik sa kanya atsaka tumingin sa kamay nito na ngayon ay humahaplos sa isang dibdib ko.

"Gabriel.." I whispered while staring at his  two beautiful pair of eyes.

Dahil dun ay inabot nitong muli ang mga labi ko at hinalikan akong muli habang abala ang kamay nito sa paghaplos sa dibdib ko.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon