Chapter 31

12.7K 339 65
                                    

"Let's go team!" tawag sa amin ni coach nang matapos ang first game. Hindi muna ako kumilos at matamang tumingin lamang kay coach.

Paano nito nagagawang umakto na parang wala siyang masamang balak sa aming team?

"Oh Venus? May masakit ba sa'yo? Bakit hindi ka pa kumikilos?" tanong nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at kinuha nalang basta ang bag ko atsaka sumunod sa mga teammates ko.

Kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat manalo lang kami sa laban na 'to. Hindi ko hahayaan na magwagi yung plano nila.

"Hoy, ano bakit parang wala ka sa sarili pagkatapos mong pumunta sa cr? Ano may menstrual cramps ka ba?" takang tanong ni Elle sa akin pero umiling nalang ako.

Ayokong sabihin sa kanila yung tungkol sa narinig ko kanina, alam ko naman na gagawin nila ang best nila para manalo kami ngayon at baka mawala lang yung atensyon nila doon kapag sinabi ko pa sa kanila yun.

"Venus can we talk for a second?" napalingon ako kay coach nang magsalita ito. Iginiya naman niya kung saan kami mag-uusqp at kahit galit ako sa kanya ay sumunod pa rin ako.

"I heard your shoulder has a problem right now, can you still play?"

Oo dahil sa'yo. Gusto kong isumbat sa kanya iyon pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Siguro kung hindi ko narinig yung pinag-usapan nila nung assistant coach ng Eastwood iisipin kong concern talaga ito sa akin.

Natigilan naman ako dahil kaming dalawa lang ni Elle ang nakakaalam tungkol dito sa shoulder injury ko.

Dahil dun ay mas lalong naging klaro sa akin na sinadya niya talagang mainjured ako.

"Nothing to worry coach. I can still play." pinasigla ko ang boses ko para hindi siya makahalata.

"Ipapaalala ko lang sa'yo Venus na importante ang larong ito, sana hindi makahadlang 'yan sa pagkapanalo niyo." iyon lang at tumalikod na ito sa akin.

Ang kapal ng mukha! Ako pa ngayon ang sisisihin samantalang siya ang may gustong matalo ang team namin?!

Bumalik agad ako sa aming locker room para mag-ayos. Pagkatapos ay nilock ko yung pinto.

Nagtataka naman yung mga teammates ko nang ilock ko yung pinto.

"Everyone listen. Kahit anong mangyari gusto kong gawin niyo ang best niyo para manalo tayo. Amethyst." tawag ko kay Amethyst. Tumingin naman ito sa akin. "Lalo ka na." dahil alam ko sa sarili kong hindi ako magtatagal sa game.

Nang makarinig kami ng katok ay mabilis iyong binuksan ni Audrey. Bumungad sa amin ang babaeng staff ng SAU para tawagin na kami papunta sa court.

Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng locker room at magtungo sa court. Naabutan na namin doon si coach.

Nakakabinging hiyawan naman ang maririnig pagkapasok namin sa court. Sabay kasi kami ng Eastwood team at sa nakikita ko ay mas marami silang supporters. Halos 3/4 ng mga nasa audience ay mga supporters nila.

Napangiti naman ako nang mapansin ko si Cassie kasama ang cheering team na binuo niya para sa amin na todo sa pagcheer. Kumaway ako sa kanya at ganun din ito.

Dahil ayokong pwersahin ang balikat ko ay tumulong nalang ako kay coach sa pag-assist sa mga teammates ko habang nagwa-warm up ang mga ito.

Matapos iyon ay tumunog na ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laro. Naghanda naman na kaming lima at hinihintay nalang naming tawagin ang numero at pangalan namin bago pumunta sa loob ng court.

Malalakas na hiyawan naman ang maririnig habang tinatawag ang first five ng Eastwood at nang kami na ang tawagin ay halos cheer lamang nina Cassie ang maririnig pero maliban nang tawagin ako ng announcer. Nagulat ako sa lakas ng hiyawan.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon