Warning 18+
This chapter contains some violence.Announcement:
To all students who are interested to be part of our school's Women's Basketball Team, there will be an open tryout that will be held tomorrow, exactly 3pm at Wilhelm's Basketball Gym.
Sports Committee President,
Mr. Julius LariozaIyon ang dinikit ni Elle sa announcement board. Naitext na din nito ang mga nag-fill up ng form kanina regarding sa tryout at ang announcement na ito ay para sa mga hindi pa nakakapagfill up pero gustong maging parte ng team.
"Baliw ka talaga, bakit pangalan ni Mr. President ang ginamit mo?" sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng club room.
"Syempre para maniwala sila." nakangising sagot nito.
Napailing nalang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad. Napahinto naman kami nang makita namin si Cassie na nakasuot ng cheering uniform at malungkot na naglalakad mag-isa.
"Hoy Cassie!!" tawag ni Elle sa kanya.
Nagulat ito nang makita kami kaya nagmadali itong lumiko upang iwasan kami pero dahil likas na makulit si Elle, hinabol niya ito.
"Ano ba?!" iritadong sigaw ni Cassie nang mahabol siya ni Elle.
"Hoy Cassie,kahit maldita ka alam ko pa rin makisama no, kaya considered as friend na din kita, 'wag ka ngang okay." sabat ni Elle sa kanya.
"I don't need you as my friends."
"Choosy ka pa, bakit ka ba nakabusangot kanina?" tanong ni Elle.
"Wala." maikling sagot lang ni Cassie.
Magsasalita pa sana ulit si Elle nang biglang may mga dumaang grupo ng mga babae na nakasuot din ng cheering uniform.
Napansin ko namang nasa pinakagitna nila ang muse ng buong Wilhelm ngayon na siyang nakita kong kausap ni Gabriel kahapon.
"Oh? Hi Cassie! Better luck next time na lang ha. Pang-basics lang kasi mga dance steps mo at hindi pupwede yun sa team." sabi ng isa sa mga nakasuot ng cheering uniform.
"As if naman champion kayo last season..." bulong ni Elle kaya pinandilatan ko siya para manahimik. Pero huli na ata at narinig kami nung muse at pinakaleader nila.
"Excuse me?!" asik nito.
"Nasa gilid na kaya kami! Dumaan na kayo mga istorbo." sabat na naman ni Elle. Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil kung may hawak lang akong kung ano baka naisubo ko na iyon ngayon sa walang prenong bibig ni Elle.
"How dare you na pagsalitaan si captain ng ganyan?!" bulyaw nung isa sa mga alipores nito.
Elle just mimicked her kaya natawa ako. Baliw talaga.
Dahil sa pagtawa ko ay sa akin tuloy nabaling ang attention nila.
Napakunot-noo naman ako nang halos sabay-sabay silang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Infairness perfect score sila sa synchronization.
Wala naman sinabi ang mga ito at inirapan lang muli si Elle at nginitian ng peke si Cassie na ngayon ay parang inosenteng bata na nakayuko lamang.
"Are they bullying you?" tanong ko sa kanya.
"H-Hindi, nagkamali lang ako sa audition ko kanina kaya pinagtawanan nila ako." nahihiya nitong sagot.
Nag-init naman agad ang ulo ko sa mga iyon pero mas grabe 'tong si Elle.
"Aba?! Ang kakapal naman nila! Hindi naman lahat ng tao perpekto at lahat nagkakamali, kaya wala silang karapatang pagtawanan ka." galit nitong saad.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
Aktuelle LiteraturIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...