Chapter 26

12.9K 325 29
                                    

Sinundo ako ni Gabriel sa school at siya ang naghatid sa akin pauwi sa bahay. Masaya ako na nanalo kami pero kinakabahan pa rin ako ngayon dahil kay Papa.

"Gusto mong pumasok sa loob?" tanong ko kay Gabriel pagkahinto nito sa tapat ng bahay namin.

"No. I'll just wait here I think you need privacy to talk to your Dad." sagot nito.

"Okay." nagpaalam agad ako sa kanya atsaka pumasok sa bahay.

Naabutan ko ang mga magulang ko na parehong nasa sala at nag-uusap. Lumapit agad ako sa kanila atsaka umupo sa harap nila.

Napatingin agad si Papa sa akin pagkatapos ay umayos ng upo at seryosong tumingin sa akin.

"Bakit ka nagsinungaling sa amin ng Mama mo?" unang tanong nito.

"Hindi kayo pabor sa akin sa pag-enrol ko sa Wilhelm Pa kaya natatakot po akong sabihin sa inyo na ganun ang sitwasyon ng team ko noon. Alam kong kapag sa simula palang na nalaman niyo agad iyon ay ipapalipat niyo agad ako ng school at ayaw ko po iyon." wika ko sa nanginginig kong boses.

"Alam mong ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagsisinungaling ka sa akin Venus Francesca." mariing saad ni Papa.

"Sorry po." nakayuko kong sagot.

"Sige magpahinga ka na." iyon lang atsaka umalis na si Papa at nagtungo sa kwarto nila ni Mama.

Nagtaka naman ako dahil akala ko ay marami pang isusumbat si Papa sa akin pero iyon lang ang sinabi nito sa akin?

"Ma, labas lang po ako. Nasa labas pa po kasi ai Gabriel e." paalam ko kay Mama na naiwan pa sa sala at hindi sumunod kay Papa.

"Oh sige, isarado mo nalang ang pinto dahil magpapahinga na din ako." sabi nito.

Ginawa ko naman ang sinabi nito atsaka lumabas ng bahay. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse ni Gabriel pagkalabas ko ng aming gate kaya sumakay agad ako doon.

"How is it?" tanong agad nito.

"Pinagsabihan lang ako kasi ayaw ni Papa na nagsisinungaling ako sa kanya."

"You're still upset."

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"E kasi parang ang weird ni Papa. Dati kapag nagsisinungaling ako sa kanya grabe niya talaga ako pagsabihan pero ngayon parang ang bilis lang." sagot ko.

"Maybe he doesn't want you to feel more bad about it."

"Ewan ko." umayos ulit ako ng upo. "Celebrate nalang tayo kasi may first win na ako ngayong nasa university league na ako." sabi ko sa kanya.

"Saan mo gusto?"

Parang gusto ko pa ulit kumain kasi hindi talaga ako nakakain masyado kanina nung nagcelebrate kami sa isang resto dahil sa kaba ko sa sasabihin ni Papa.

"Drive thru nalang tayo tapos ikaw na bahala saan tayo pupunta."

"Okay." sagot nito atsaka pinaandar na yung sasakyan niya. Dumaan muna kami sa isang fast food chain para bumili ng pagkain tapos nagikot-ikot lang kami.

Tumigil kami sa isang plaza na may dancing fountain. Hindi na kami bumaba at sa loob nalang namin pinanood yung dancing fountain.

Dahil gandang-ganda ako ay hindi ko maiwasang ivideo iyon pero natigilan ako dahil hindi ko pala dala yung cellphone ko.

"Here." napaangat ang tingin ko kay Gabriel nang iabot nito yung phone niya. "You can use it."

Kinuha ko naman agad iyon kasi gustong-gusto ko talagang ivideo yun.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon