"Grabe! Ngayon lang ata ako hiningal ng ganito katindi! Binabawi ko na yung sinabi kong crush ko si Coach Hero kahapon!" reklamo ni Claire matapos ang drills na pinagawa sa amin ni Coach.
"Ang hot kaya niya kapag seryoso siya." sumbat naman ni Audrey.
"Oo hot diya kapag di siya nagco-coach." balik ni Claire.
"Ahem." pareho silang napatingin sa akin matapos akong tumikhim. Pinandilatan ko silang dalawa dahil nawawala na naman sila sa focus.
"Huwag kayong magreklamo, napansin siguro ni coach Hero sa past two games natin na mabilis tayong mapagod at parang wala na tayong lakas sa huling quarter ng laro kaya ito ang mga pinagawa niyang drills."
"Sabagay." wika nilang pareho.
Matapos ang saglitang pahinga ay nagpatuloy na muli ang pag-eensayo namin.
Masasabi kong mas lalong nagfocus ang mga teammates ko at saka ginanahan magpractice hindi lamang sa gwapo ang coach namin kundi masaya ang mga ito dahil sa wakas ay nagkaroon na rin kami ng coach na mag-guide sa amin.
"Okay that's it for today. Nabanggit sa akin ni Elle na nagkakaroon din kayo ng practice outside the school kaya naman... see you tomorrow." ngumiti pa ito sa amin bago lumabas ng gym.
Nang matapos kaming mag-ayos ay lumabas na rin kami sa gym at nakita ko agad si Gabriel sa may pinto at naghihintay sa akin.
Binilisan ko ang paglakad para makarating agad sa kanya. "Hi!" bati ko nang makalapit ako. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay kinuha ang sports bag ko bago kami sabay na naglakad papunta sa kotse niya.
"Grabe parang nabigla yung katawan ko sa first training namin with coach Hero." sabi ko nang makasakay kami sa kotse niya.
"You're tired?" tanong nito sa akin.
"Sobra." nakanguso kong sagot kaya naman mabilis itong lumapit sa akin atsaka inangkin yung mga labi ko.
Akala ko mabilis lang iyon pero mas lalo pa nitong pinalalim yung halik niya sa akin kaya tinugon ko na lamang iyon. Ang daming beses na niya akong hinalikan kaya naman parang nasanay na yung labi ko na tumugon sa kanya kada hahalikan niya ako. Mga ilang minuto din kaming naghalikan sa loob ng kotse niya bago ako humiwalay para sumagap ng hangin.
Hinihingal ko siyang tiningnan at nahuli ko itong seryoso lamang na nakatitig sa akin habang hinihingal din.
Kalaunan ay ngumiti ako sa kanya. "Gusto mo na naman mawala yung pagod ko dahil sa halik mo no?"
"Effective ba?"
"Kalahati pa lang nawawala eh." biro ko. Natawa nalang ito pero hinalikan ako nitong muli pagkatapos ay saka nito pinaandar ang kanyang kotse.
Kinabukasan, pagkatapos ng huling klase namin ay nagtungo agad kami sa private basketball court ni Troy. At as usual, nauna na si Coach Hero dito dahil ibinigay ni Elle yung address nitong lugar na ito sa kanya.
Nadatnan namin itong kausap yung si Troy at parang seryoso yung pinag-uusapan nila.
Natigil lang sila sa pag-uusap nang mapansin ang pagdating namin.
Nagpaalam muna kami sa kanila ni Troy para magpalit ng pampractice.
Nang matapos kaming mag-ayos ay mabilis kaming luminya sa harap ni coach para makinig sa sasabihin niya.
Inutusan kami nitong mag-warm up muna kaya ginawa agad namin yung usual na warm ups namin.
At parang hindi pa nakuntento doon si coach at may ipinadagdag pa itong drills sa amin bago namin gawin ang shooting drill.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
Algemene fictieIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...