Chapter 34

14.4K 369 45
                                    

"What the hell? What is happening?" takang tanong ko dahil sa ginagawa ngayon ni Troy. Tumingin ako kay Gabriel pero mataman lang itong nanonood.

"I think he already know na walang chance manalo ang team niyo against Eastwood ngayon kaya he's switching your players for experience and maturity inside the court." sabi nito sabay tingin sa akin.

Napamaang naman ako sa sinabi nito. Bakit hindi ko naisip 'yon noon?

"Your teammates needed that. Let's trust Troy, I'm confident he knows what he's doing." dagdag nito sabay balik ang atensyon nito sa pinapanood.

Wala talagang itinira si Troy na mga players namin at lahat ay pinaglaro. First time din atang halos mabangko si Amethyst sa isang buong quarter.

Tiningnan ko ang score at halos magbente na ang lamang ng Eastwood sa amin.

Pero mas napansin ko ang mga teammates ko na ngayon lang nagkaroon ng mahahabang playing time. Lahat sila ay may galak sa mga mukha at nag-eenjoy lamang sa paglalaro.

Ang stupid ko. Bakit hindi ko naisip 'yon noon pa. Masyado akong nagfocus sa aming anim. Hindi ko na naisip na kailangan din pala ng playing time ng iba para mas magmature sila sa loob ng court.

Natapos ang laro na talo ang aming team pero kahit ganun ay magaan ang loob ko dahil sa nasaksihan. All I can do now is to trust and believe on my team. Alam ko sa mga susunod na games, makakaya na nilang manalo kahit wala ako.

"Captain! Nood tayong game ng boyfriend mo!" aya sa akin nung kambal. Pumunta talaga sila dito sa bahay para ayain ako.

"Sigurado ba kayong game nila ang papanoorin niyo o magbo-boy hunting na naman kayo?" nung huling aya kasi nila sa akin, ako lang talaga yung nanood at nagliwaliw itong magkambal na 'to sa buong arena hindi man nila sabihin pero nahalata ko naman sa sila.

Nasa ikatlong week na ako simula nang mainjured ang balikat ko. Medyo naigagalaw ko na rin naman ang braso ko pero dahan-dahan nga lang at baka mabigla yung balikat ko.

Sa nakalipas na limang laro ng team namin ay dalawa doon ang naipanalo nila. And so far nasa ika-apat na rank kami sa buong league at kailangan naming mapanatili iyon upang makapasok kami sa final four.

Ngayon, umaasa akong maipapanalo nila ang natitirang mga laban nila at umaasa rin ako na kapag nakapasok ang team sa final four ay pwede na akong maglarong muli.

"Grabe ang gwapo pala talaga nung boyfriend mo no Captain?" wala sa sariling wika ni Ashley. Narito na kasi kami ngayon sa Arena at nagwa-warm up palang ang team nina Gabriel.

Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya sabay nilang itinaas yung mga kamay nila tanda ng pagsuko.

"Halla grabe ka captain! Hindi naman pinagnanasaan boyfriend mo no." depensa nilang pareho.

"May sinabi ba ako? Alam ko namang gwapo yung BOYFRIEND ko." binigyang diin ko talaga yung salitang boyfriend. Ngumiti naman silang pareho atsaka nagpaalam na para daw mag-cr pero alam kong hindi iyon ang gagawin nila.

Napailing nalang ako bago muling binaling ang atensyon sa team ni Gabriel. Kumaway agad ako nang mapansin ako ni Gabriel kaya nagpaalam ito sandali sa team niya at saka lumapit sa akin.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong nito pagkalapit sa akin. Nagkibit-balikat lamang ako at saka inginuso yung kambal na naglalakad at medyo malayo na sa akin.

Tumango-tango naman si Gabriel bago ako ayain na doon nalang sa likod ng bench area nila pumwesto.

Sumunod naman ako. Inalalayan pa ako nitong bumaba kaya napangiti ako. Pagdating namin doon ay pumunta agad ito sa bench nila atsaka kumuha ng isang gatorade at tubig pagkatapos ay ibinigay sa akin.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon