Chapter 4

15.4K 383 16
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, nagising nalang ako na nakahiga ngayon dito sa clinic ng Wilhelm. Oo alam kong clinis ito dahil sa itsura palang at medyo amoy alcohol.

Dahan-dahan akong bumangon pero natigilan nang magsalita ang isang nurse na naroon ngayon.

"Oh gising ka na pala." sabi nito. Inasikaso naman ako nito agad.

"Okay na po ako." sabi ko dahil parang pasyente ako kung alagaan niya.

"Bilin kasi na alagaan ka ng mabuti nung nagdala sa'yo dito. Nawalan ka ng malay kanina naalala mo ba? At may lalaking nagbuhat sa'yo papunta dito. Bumili na din siya ng pagkain mo at mga prutas para kainin mo." kwento ng nurse sa akin.

"Kilala niyo po ba kung sino ang nagdala sa akin dito?" gusto kong malaman para magpasalamat na din.

"Hindi ko siya kilala at ayaw niyang pasabi ang pangalan niya."

So I have an anonymous savior huh. Malalaman ko din kung sino ka but for now kailangan kong makabalik sa club room dahil paniguradong hinihintay ako nung dalawa dun.

Kinuha ko ang pagkain at mga prutas na nasa gilid ko atsaka nagpaalam ng maayos sa nurse bago lumabas at magtungo sa club room.

"Oh?! Akala ko natabunan ka na ng mga basura- teka anong nangyari sa mukha mo?!" sesermunan sana ako nitong si Elle pero napahinto ito nang makita ang itsura ko. May band-aid na nakalagay sa sugat ko pero namumula pa rin ang gilid nito na hindi natakpan.

"Nadapa lang tapos nahilo kaunti kaya nagtungo ako sa clinic para matulog." palusot ko.

"Maniwala ako sa'yo, for sure may nantrip na naman sa'yo." sabat nito.

"I'm sorry at naghintay kayo sa akin ng matagal." I apologized.

"Okay lang, hindi naman namin namamalayan kasi inayos namin ang iba pang pwedeng ayusin dito sa club room. Tsaka kailangan natin din ng pintura para unaliwalas ang itsura nitong room." sabi ni Elle.

"Okay guys, I'm going out na." paalam ni Cassie. Sumabay naman na kaming lumabas at bago kami maghiwa-hiwalay ay nagpalitan muna kaming tatlo ng mga number para mas madali naming makontak ang isa't isa.

Bukas na ang tryout. Kasakukuyan kong inihahanda ang nga gamit ko para bukas nang maalala kong wala pa pala kaming coach!

"Elle!"

"Aray! Kailangan sumigaw? Sakit tuloy ng tenga ko, ano ba 'yon?" saad nito pagkasagot sa tawag ko.

"Wala tayong coach na magle-lead sa tryout!" histerya kong sinabi.

"Ano ka ba naman, eh anong tingin mo sa'yo? Magaling kang maglaro ng basketball, alam kong kaya mong mamuno para sa gagawing tryout bukas tsaka huwag kang mag-alala, kasama mo ako."

"Sigurado ka?"

"Naman!"

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Elle para asikasuhin ang magaganap na tryout mamaya.

Alam namin na mas priority ang men's team pero nakiusap na kami nung isang araw na kung pwedeng solo namin ang gymnasium mamaya at pumayag naman sila.

Bumili na din kami ni Elle ng tig-isang whistle dahil kami ang mamumuno para sa gagawing tryout mamaya.

"Okay na ba?" hinihingal na tanong ni Elle. Nandito na kami ngayon sa gym at kasalukuyang inaayos ang mga kakailanganin gaya ng mga bola. Nag-mop na din kami sa buong court.

"Okay na. We'll just wait for them." sagot ko.

Kinakabahan man ay excited pa rin ako para dito. Alam kong magsisimula kami sa wala pero gagawin ko ang best ko para maging successful ang team na ito.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon