"Today's your tune up game with Eastwood University right?" seryosong tanong sa akin ni Papa habang nag-aalmusal kami.
"Yes po. Manonood ka?"
"No. I'm busy later." I expected it. Masyadong bitter pa rin si Papa na hindi ako sa Eastwood sumali.
Matapos kong kumain ay nag-ayos na ako at sakto namang dumating si Gabriel ay natapos na ako. Dala ko na yung bagong jersey uniform namin na pinagawa pa ni Elle.
Dumiretso na ako sa labas at hindi ko na pinapasok si Gabriel sa loob dahil baka malate pa kami kapag kinausap pa siya ni Papa.
"Hi. Are you ready?" bati niya sa akin nang makalabas ako.
Ngumiti ako sa kanya bago huminga ng malalim.
"Super."
He went near me and then he patted my head. Yumuko pa ito para magpantay yung mukha naming dalawa. Ngumiti ito sa akin.
"Good luck."
Sumakay na kaming pareho sa kanyang kotse at saka nagtungo na sa school.
Umaga ang tune up game kaya naman inagahan naming pumasok. Hindi ko naman inaasahan na pagbaba ko ng kotse ay makikita ko agad yung Eastwood team at halos lahat sila napatingin din sa akin bago sa kasama kong si Gabriel.
They smirked at me pero binalewala ko nalang 'yon at dumiretso nalang kami ni Gabriel sa gym. Mukhang may hinihintay pa yung Eastwood team dahil hindi namin sila nakasabay maglakad patungo sa gym.
"Thanks. Dito na ako." sabi ko kay Gabriel nang maihatid niya akonsa bench area kung nasaan ang ibang mga teammates ko.
"I'll watch later." wika nito bago nagpaalam sa akin. Pupunta muna siguro ito sa klase niya. Magpapaalam siguro ito sa prof nila since malakas naman siya dun dahil lagi siyang highest sa klase nila. Di ba paborito talaga siya ni God. Gwapo na nga matalino pa.
Chineck ko naman yung oras at nasa 7:30 na, mamayang 8 magsisimula ang tune up game.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang Eastwood Team. Dumiretso agad ang mga ito sa kanilang bench area. Nakakamangha lang dahil napakarami nilang coaching staff samantalang kami parang grinupo lang sa kanto dahil kami-kami lang talaga ang bumubuo sa team.
"Okay, let's go guys. Time to warm up!" anunsyo ni Elle kaya naman tumayo na kaming lahat at nagtungo sa katapat na court. Unti-unti naman nang nagsisidatingan ang mga media at mayroon pang mga students from Eastwood na nandito. Napansin ko rin na may mga schoolmates kaming nandito para manood pero hindi ko sigurado kung kami ba ang sinusuportahan nila.
Madami din kasing fan yung si Brittany ang team captain ng Eastwood at si Carol and main gunner nila o ang scorer.
Mga simpleng drills lang ang ginawa namin para sa aming warm up dahil nakapag-stretching na kami kanina.
Hindi naman sinasadyang gumulong yung bola namin sa side ng Eastwood at dahil ako ang nasa dulo, ako na ang pumunta doon para kunin 'yon.
Natigilan naman ako nang pulutin iyon ni Brittany at saka ito lumapit sa akin. Nahuli ko pa itong ngumisi pero agad din iyong nawala nang tuluyan itong makalapit sa akin.
"So, how's the great Venus Santillan on her new team?"
Ngayon ko lang talaga masasabing ang sikat ko dahil yung pinakasakit na player ng Eastwood ay kilala ako.
"I'm doing good and so does my team. If you don't mind, can I get that ball back now?" sagot ko rito sabay tingin sa bolang hawak nito. Magpapanggap pa nga sana akong hindi siya kilala pero huwag nalang baka sabihin nito na mayabang ako.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...