"Talaga?!" mangha kong saad pagkatapos. Nakangising tumango naman ito.
Nagtungo kami sa kanilang living room at naabutan namin doon ang Daddy niya na relax lang na nanonood ng basketball game.
Pagtingin ko sa pinapanood nito ay saka ko lang naalala na may game pala ngayon yung team nila Papa at iyon ang pinapanood ng daddy ni Gabriel ngayon.
"Dad." tawag ni Gabriel sa atensyon nito. Lumingon naman agad ito at saka ngumiti pagkatapos ay ali-daling tumayo pagkakita sa amin. "I want you to meet my girlfriend, Venus." pakilala sa akin ni Gabriel.
"Nice to meet you hija. Finally nameet ko din yung special girl na palaging bukambibig ng anak ko everytime magkikita kami." wika nito. Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito atsaka tumingin kay Gabriel na umirap lang sa tatay niya.
"Nice to meet you too Sir." nahihiyang bati ko naman.
Napangiti naman ito. "Don't call me Sir hija, call me Tito Greg nalang." nahihiya pa rin akong tumango.
"I heard you're also a basketball player? and your father is Vincent right?" sabay turo nito ngayon sa tv kung saan nakafocus yung mukha ni Papa habang nagco-coach siya.
"Ah opo." nahihiya kong sagot atsaka tumingin sa tv. Agad ko naman hinanap kung nandoon si Coach Hero pero hindi ko siya napansin. Kadalasan kasi ay nasa tabi lang siya ni Papa.
"Dad, don't be bitter okay? Mas magaling talaga magbasketball si Tito Vincent kaysa sa'yo." singit ni Gabriel kaya ibinalik ko ang tingin sa daddy nito atsaka ngumiti.
Tumawa naman ang Daddy nito. "I know anak. Magaling talagang basketball player 'yang si Vincent. You know hija, we used to be rivals during our college days. Pero sa totoo lang never akong pumantay sa galing ng Papa mo. He's really a beast inside the court." papuri ni Tito Greg kay Papa.
Mas lalo tuloy akong naging proud kay Papa sa mga kwento ni Tito Greg. Halos hindi na nga kami nanonood dahil nakikinig nalang kami ni Gabriel sa mga kwento ng Dad niya noong college days nila ni Papa at kung papaano nito purihin si Papa.
Natigil lang ito sa pagkukwento nang sabihin ni Gabriel na kakain muna kami. Pero pagkatapos nun ay nakipagkwentuhan akong muli sa Daddy niya about kay Papa.
Bigla ko naman naisip na ang layo ng ugali ni Tito Greg kay Gabriel. Si Tito masayahin habang si Gabriel naman ay seryoso lang. Siguro nagmana ito sa mommy niya.
Napalingon naman kami sa kanilang pinto nang biglang may magandang babae na pumasok at maingay itong kumakanta na parang wala nang bukas.
"Oh? Hi everyone!" tuwang-tuwa nitong bati sa amin nang mapansin na nakatingin kami sa kanya.
"Tsk! Kaya pala umalan ng malakas." sabi ni Gabriel.
"OMG!" sigaw nito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla naman akong kinabahan nang maalala kong suot ko pala yung damit niya at baka namukhaan nito.
Mabilis itong lumapit sa akin atsaka tinulak talaga yung kuya niya para kami ang magkatabi at saka nito hinawakan yung mukha ko para matitigan ako.
"Kuya! Siya na ba si ate Venus? OMG! She's so pretty! Ang swerte mo sa kanya kuya!" walang preno nitong sabi. "I can't believe na magkakagirlfriend ka kuya! Akala ko kasi yung utak mo puro basketball lang ang alam." dagdag pa nito atsaka lumingon sa kapatid.
"Tsk!" sabi lang nito.
Mas lalo akong nagulat nang bigla ako nitong yakapin at tuwang-tuwa talaga ito.
"Sorry ate masiyado lang akong na-excite. I'm Yena, younger sister ng boyfriend mo hehe." tumango agad ako atsaka ngumiti sa kanya. Ngayon alam ko na kung sino ang nagmana sa personality ni Tito Greg.
"Nice to meet you Yena." sabi ko nalang. Hindi na ako nagpakilala dahil mukhang kilalang-kilala na niya ako.
"Sorry about that." sabi sa akin ni Gabriel nang makasakay kami sa kotse niya. Gabi na kasi at ihahatid na niya ako sa amin.
"Okay lang kaya. Ang saya nila kausap. Sobrang dami nilang kwento at sobra akong nag-enjoy makinig." sagot ko.
Ngumiti ito. "Ganun talaga silang dalawa. I guess me and my mom are the only sane person in our family."
"Grabe ka naman. Ang saya kaya kapag may mga ganun kang kasama sa pamilya. Nakakabawas stress. Sobrang positive lang nila."
"Pero natatakot akong mameet yung mommy mo. Feeling ko magkapareho kayo ng ugali eh." saad ko.
"No. She's nice and kilala ka na rin niya so don't be nervous about meeting her."
"Talagang ipinangalandakan mo sa pamilya mong girlfriend mo ako 'no?" sarkastiko kong sumbat at natawa lang ito. Hindi naman ako nagrereklamo. Nakakagulat lang dahil parang wala sa personalidad nito ang gawin ang ganun.
"Thank you for today." wika ko nang huminto na kami sa tapat ng bahay.
"You're always welcome. I hope I made you happy and feel relax today."
"Sobra."
After sharing a long and passionate kiss ay nagpaalam na ako para pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan ko naman si Papa na nasa sala pa kaya lumapit ako sa kanya.
"Pa." bati ko rito atsaka umupo sa tapat niya.
"Hmm?"
"Bakit wala si coach Hero sa game niyo kanina?" tanong ko.
"May importante daw siyang lalakarin." sagot nito.
"Ah ganun po ba. Sige pa magpapahinga na po ako. Good night po."
"Kumain ka na ba? Nagtake out kami ng mama mo kaninaz nasa ref ipainit mo nalang." pahabol nitong tanong.
"Kumain na po ako Pa." sagot ko atsaka umakyat na sa hagdanan. Pero napahinto ako nang maalala si Tito Greg.
Agad akong bumalik sa harap ni Papa. "Pa nameet ko nga pala yung family ni Gabriel kanina. Ngayon ko lang nalaman na yung daddy niya pala yung rival mo noong college ka." wika ko.
"Ah oo nabanggit na sa akin yun ni Gabriel nung unang magpunta iyon dito kaya nakagaanan ko agad ng loob. Kamusta naman si Greg?"
"Ayun Pa sobrang masayahin. Ibang-iba sa ugali ni Gabriel." sagot ko.
"Ganun talaga yun kaya mabilis kong mautakan kapag may laro kami." saad nio. Tinanong ko namab kung nasaan si mama at natutulog na daw ito dahil napagod mag-cheer kanina.
Nagkwentuhan pa kami ni Papa bago ako nakaramdam ng antok kaya nagpaalam na ako na matutulog na.
"Okay guys listen up! 3 days from now magsisimula na ang official game niyo against Eastwood team and gusto kong gawin niyo yung best niyo just like what you did on your tune up game against them." wika ni coach Hero sa amin matapos ang aming practice.
Sa totoo lang masyadong naging mabigat ang practice namin ngayon na maging ako ay parang gusto nang magreklamo pero pinipigilan ko lang.
"Ingatan niyo ang mga sarili ko at kung maari ay wala munang outdoor activities bago ang laban niyo against Eastwood." tumango naman kami.
Okay. See you tomorrow." at nagpaalam na ito sa amin.
"Grabe bakit sobrang hirap ng practice natin these past few days. Kaya ba binigyan tayo ng one day break para dito?" halos maiyak na saad ni Audrey.
"Kaya nga, feeling ko naninigas na yung paa ko at hindi na maigalaw kanina. Bakit ganun?" wika naman ni Anna.
"Baka para mas masanay tayo sa mabibigat na games tulad ng sa Eastwood." singit naman ni Elle.
Hindi na lang ako umimik atsaka hinilot nalang yung paa ko dahil parang naninigas talaga sa sobrang pagod siguro bago tumingin sa dinaanan ni coach Hero kanina.
Sana hindi mangyari 'to sa game namin against Eastwood. Matatakot ako kung mangyayari yun. At sana mali yung hinala ko sa kanya.
**
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
Ficción GeneralIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...