"Sinasabi ko na nga ba at may something sa'yo ngayon eh. Tinago mo pa talaga ha. Lagot ka sa akin kapag magaling ka na." iyon agad ang sinabi ni Elle nang dumating ito sa clinic.
Hindi na ako magtataka kung sino ang nagsabi sa kanya na nandito ako. Pero wala akong balak kausapin siya kasi hiyang-hiya pa rin ako sa mga pinagsasasabi ko kanina. Nakakahiya ka Venus!
"Hoy! Kanina pa ako nagsasalita dito pero nakatunganga ka lang diyan, ano ha hindi ka pa rin maka-move on na si prince charming mo yung naghatid sa'yo dito?!" malakas na sinabi ni Elle.
Napatingin tuloy yung nurse sa amin at nag-peace sign lang si Elle. Bago muling binaling ang tingin sa akin. Inirapan lang ako nito bago ibigay sa akin yung mga biniki niyang pagkain.
"Oh! Kumain ka na kahit alam kong busog ka sa moments niyo nung prince charming mo." padabog na binigay ni Elle sa akin yung mga binili niyang pagkain.
"Bakit parang labag sa loob mong bigyan ako ng pagkain ha. Mamaya sumakit tiyan ko kapag kinain ko 'yan." sumbat ko sa kanya.
"Eh kasi naman, sana sinabi mo agad 'yang nangyari sa'yo no parang di mo naman ako kaibign kainis ka." lumambot naman ang puso ko nang marinig ko ang salitang kaibigan sa kanya. Oo nga pala hindi ko pa kasi inaamin sa sarili ko na may kaibigan na nga pala ako. Napangiti naman ako sa kanya bago humingi ng tawad.
Alam kong cold ako sa kanya noon pero habang tumatagal ay lumalabas na din ang pagiging makulit ko dahil sa kanya. May topak kasi 'to eh nahawa lang ako.
"Sige pasok na ako, i-eexcuse muna kita sa mga next class natin tsaka sasabihin ko rin sa team yung kalagayan mo ngayon. Babalik din ako mamaya." matapos nitong magpaalam ay naiwan na naman akong mag-isa roon kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagpapahinga.
Tiningnan ko yung paa kong may benda na ngayon na nilagay kanina nung nurse dito.
Kinuha ko naman yung phone ko nang bigla itong tumunog dahil sa text ni Papa. Sinabi nito na hindi daw niya ako masusundo ngayon dahil may biglaan daw siyang lakad.
Matapos ang klase ay sinundo na ako ni Elle dito kasama nung iba naming teammates. Nagrequest pa ng wheelchair ang mga 'to para daw hindi ako mahirapang maglakad pero tumanggi agad ako. Malapit lang naman yung clinic sa gate kaya hindi ako masyadong mahihirapan. Tsaka masyadong agaw eksena yun.
Pagdating sa labas ay isa-isa ng nagpaalam ang mga teammates ko sa akin. Naiwan naman kami ni Elle na hanggang ngayon ay nagpupumilit na ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako. Masyado ng maraming tinulong si Elle ngayon sa akin, ayoko ng makaistorbo pa sa kanya kaya nang dumating yung sundo niya ay pinagtulakan ko pa siya para sumakay doon.
Naiinis na sumakay ito sa kanilang kotse habang ako naman ay naghihintay pa rin ng jeep.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa isang waiting shed dahil hindi ko kayang tumayo ng matagal nang biglang may humintong kotse doon sa tapat kung saan tumitigil yung jeep. May mga students na nasa harap ko kaya hindi ko masyadong makita kung sino yung lalaking bumaba doon pero ganun nalang ang gulat ko ng makita ko si Gabriel ng makalapit ito sa akin.
Nagtatakang napatingin ako sa kanya nang tumigil ito sa harap ko.
Bigla ko namang naalala yung mga sinabi ko sa kanya at yung huling mga salitang sinabi niya sa akin bago niya ako iwan sa clinic kanina. Feeling ko namumula na yung mukha ko sa hiya habang inaalala yung mga yun.
"Let's go." sabi nito kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Huh? Saan?"
"In your house. Ihahatid kita." sagot nito. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hilahin patayo at alalayan para maglakad patungo sa kanyang kotse. Teka bakit ang bilis naman nito, ni hindi pa ako pumapayag ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/238727179-288-k638170.jpg)
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...