Chapter 13

14.3K 392 73
                                    

Tatakpan ko sana ang mga mata ni Gabriel pero huli na ang lahat! Nabitin sa ere ang mga kamay ko at nagtatakang napatingin sa akin si Gabriel kaya dali-dali akong umayos sa pagkakaupo.

"Gawa 'to ng anak ko." sabay bigay ni Mama dun sa muffin na ginawa ko. "Hindi ko ba alam diyan sa anak ko kung bakit bigla nalang niyang naisipan magbake eh hindi naman marunong magluto 'yan. Araw-araw maagang gumigising 'yan para gumawa ng muffin at binabaon niya daw sa school. Tikman mo hijo masarap yan."

Parang gusto ko ng lamunin nalang ako ng sahig namin ngayon sa sobrang hiya at kabang nararamdaman ko. Ni hindi na ako makatingin sa kanya at tinuon ko nalang ang tingin ko sa ilaw na nasa taas pagkatapos ay kung saan saan pa ako tumingin habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.

Kinakabahan ako ng mapansin kong kumuha ng isang muffin si Gabriel doon sa binigay ni Mama dahil sa ilang araw kong pagbibigay sa kanya ng muffin ito palang ang unang beses na malalaman ko ang reaksyon niya sa pagkain nun.

"I like it po." sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun pero kinabahan ulit nang maramdaman kong tumingin ito sa akin. "I super like it." sabi ulit nito na halos pabulong na. Gulat na gulat pa rin ako sa nangyayari ngayon kaya nanatili akong kunwaring walang alam kahit alam kong bistado na ako.

Nakakahiya talaga!

"Ah by the way po Mrs. Santillan-"

"Tita G. nalang short for Gorgeous haha! Pero joke lang just call me Tita, hijo." singit ni mama sa sasabihin ni Gabriel. Tumango naman ito bilang sagot.

"I just wanna apologize about what happened to your daughter. She just helped me with my bully teammates that's why she got her ankle sprained." paliwanag nito.

"Naku! Okay lang 'yun hijo naiintidihan ko. Oh ano dito ka na kaghapunan? Maghahnda lang ako."nagtatakang napatingin agad ako kay Mama dahil sa sinabi nito. Naintindihan kaya nito yung sinabi ni Gabriel sa kanya? Eh kung oo, bakit ganun reaksyon niya? Ineexpect ko pa man din na sisigawan agad ako nito pero hindi nangyari. Ayan tuloy nadagdaggan na naman kahihiyan ko kay Gabriel.

At gaya nga ng sinabi ni Mama, dito na kumain si Gabriel ng hapunan. Nakipagkwentuhan muna ito kay Mama habang ako ay nakikinig lamang dahil kahit gusto kong magsalita ay nauunahan ako ng hiya dahil sa mga nangyari ngayon.

Hindi naman nagtagal ay nagpasya na itong umuwi kaya hinatid ko siya hanggang dun sa pinto ng bahay namin. Hindi naman ako sobrang pilay na hindi makalakad sa sobrang lapit na lugar.

"Pasensya ka na kay Mama ha." sabi ko nang makalabas kami ng bahay. Kahit hiyang-hiya pa din ako sa kanya.

"It's okay. I enjoyed talking to her. She's funny." maka-funny 'to ni hindi nga tumatawa kanina.

"Sige good night. Salamat sa pagtulong sa akin ngayon."

"Yeah you should take a rest na din so you'll feel better. Kanina ka pa kasi maputla eh." sabi nito.

"H-Huh?!" halos pasigaw kong saad bago hinawakan yung mukha ko. Natigilan naman ako nang marinig ko siyang tumawa.

"You're funny." wika nito matapos tumawa.

"Anong nakakatawa dun?" nakasimangot kong saad.

"Nothing. Go back inside. I'll see you tomorrow. Good night." iyon lang at tuluyan na itong umalis.

Kinabukasan, rinig na rinig ko yung pagtatalo ni Mama at Papa sa labas ng kwarto ko. Pwede naman sigurong sa baba nalang sila mag-away di ba? Bakit nila dinadamay pagtulog ko.

Babalik sana ako sa pagtulog pero narinig ko ang malakas na pagkatok sa kwarto ko kaya mabilis akong bumangon at saka binuksan yung pinto.

"Good morning." inaantok kong bati sa kanila.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon