Chapter 30

13K 321 36
                                    

"Huy okay ka lang?" tanong sa akin ni Elle habang nasa classroom kami. Kakatapos lang ng unang klase namin.

"Oo naman." pinasigla ko yung boses ko.

"Okay ka diyan e kanina ko pa napapansin na ang lalim ng iniisip mo, ni hindi ka nga nakikinig sa prof natin kanina."

"Grabe naman 'to nakikinig kaya ako."

"Mukha mo lokohin mo. Ano bang iniisip mo? Tungkol ba sa magiging match natin against Eastwood? Bakit kinakabahan ka?"

"Hindi no excited nga ako e." sagot ko.

"Oh siya sige kung di ka pa ready sabihin okay lang, pero alam kong may nililihim ka sa akin humanda ka talaga kapag nalaman ko 'yon."

Kinahapunan ay dumiretso na kami sa gym para magpractice. Tulad ng mga nakaraang practice namin, sobra talaga kaming pinahirapan ni coach. Halos hindi ko na namab maigalaw yung mga paa ko pagkatapos.

"Coach can we have a-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sa phone ni coach kaya naman nag-excuse agad ito sa akin para kausapin yun. Itatanong ko lang sana kung pwede kaming magkaroon ulit ng break dahil naawa na ako aa mga teammates ko. Kitang-kita kong hirap na hirap na sila kada practice.

Hindi pwedeng araw-araw magiging ganito kami hanggang sa laban namin dahil baka sa simula palang ubos na agad yung lakas namin.

At dahil hindi ako mapakali ay sinabi ko na kay Elle yung nakita ko nung nagdate kami ni Gabriel.

"Teka parang narinig ko na 'yan dati. Ang sabi nila kinakausap daw ng president ng SAU yung mga magkalabang teams na inaabangan ng mga manonood bago ang magiging laban nila pero hindi ko alam kung bakit?"

"Ewan ko Elle pero kinakabahan ako sa magiging resulta ng practice natin." sabi ko. "Pero naisip ko na huwag muna tayong magpractice bukas. Huwag na natin ipaalam kay coach dahil baka hindi ito pumayag."

Ganun nga ang nangyari. Sinabi ni Elle sa mga teammates namin na huwag muna kaming practice kinabukasan kaya naman the next day nagalit sa amin si coach.

At dahil ako yung captain, ako ang naparusahan.

"Captain okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ng mga teammates ko matapos kong gawin yung mga parusa sa akin ni coach.

"Sorry dahil sa amin naparusahan ka." sabi ni Ashley.

"Atleast nakapagpahinga kayo di ba?" ngumiti ako sa kanila para maitago yung sakit sa balikat ko.

Pinarusahan kasi ako ni coach. Maliban sa magsquat ng ilang minuto, kailangan ko din magkapagshoot ng 500 na beses na walang tigil.

"Hindi ko na kaya 'to magrereklamo na ako sa sports committee o di kaya sa SAU. Grabe na yung pagpapahirap niya sa atin sa practice. Akala ko pa naman mabait siya." saad ni Audrey.

"Wala tayong magagawa. Iisipin lang nila na puspusan ang practice natin dahil nga Eastwood ang susunod na makakalaban natin. Atsaka tayo pa ang masisira sa publiko kapag ginawa natin yun dahil si coach Hero ang tumulong sa atin para manalo sa nakalipas na mga games natin." sabi ni Elle.

Hindi naman sila nakaimik pagkatapos. Kaya wala kaming nagawa kundi magpractice nalang hanggang sa dumating ang araw ng aming laban kontra Eastwood.

"Ouch!" daing ko nang hawakan ni Gabriel ang magkabilang balikat ko. He was about to give me a goodbye kiss pero napahinto ito nang umaray ako.

"Sorry but why's your shoulder aching?" nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Wala nasobrahan lang siguro sa practice alam mo na mahigpit ang next naming kalaban." pagsisinungaling ko. Ayoko kasing mag-alala siya.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon