Chapter 18

14K 346 25
                                    

"Everyone! Okay lang ba sa inyo kung magkakaroon tayo ng extra practice time to enhance all your skills?" tanong ni Elle sa lahat nang magmeeting kami dito sa club room. Mabuti nalang at pumayag naman ang lahat.

"So ito yung plan namin ni Venus sa magiging bagong practice time natin." isa-isang binigyan ni Elle ng kopya ng bagong schedule sa mga teammates namin.

"Magsisimula lang yan guys kapag nakahanap na tayo ng basketball court kung saan tayo pwedeng magpractice." wika ko.

"Sino sa inyo ang may alam na lugar na may basketball court kung saan tayo pwede tayong magpractice?" tanong ni Elle. Wala namang sumagat kaya ibig sabihin ay pahirapan kami ni Elle sa paghahanap.

Ilang araw nalang mangyayari na ang tune up game namin between Eastwood University at kahit ineexpect ko na yung resulta gusto ko pa rin ipakita sa kanila na hindi kami yung dating talunan na Wilhelm Team. Lalaban kami kahit malaking puntos pa ang lamang ng kalaban. Gusto namin ipakita sa lahat na ibang Wilhelm team na ang makikita nila.

"I have good news for you." wika ni Gabriel habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi sa bahay.

"Ano 'yon?"

"Nakausap ko na yung kakilala ko and pumayag siya na doon kayo sa place niya magpractice." sabi nito. Bigla naman akong natuwa sa binalita niyang iyon kaya tumili ako bago tinawagan si Elle at sinabi ang magandang balitang iyon.

Tuwang-tuwa pa rin ako pagkatapos kong ipamalita iyon kay Elle at hanggang sa makarating kami sa bahay ay ganun pa rin ang nararamdaman ko kaya matapos kong magpaalam kay Gabriel ay hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.

Mabilis naman akong bumaba sa kotse niya at tumakbo papuntang gate ng bahay dahil kapag nagtagal pa ako doon ay baka kainin na ako ng hiya dahil sa ginawa ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay saka ko inalala yung ginawa ko. Grabe ang lakas ng loob ko. Pinagdasal ko pa na huwag munang tumawag si Gabriel kasi nakakaramdam na ako ng hiya sa ginawa ko. Mabuti nalang at nagtext lang ito sa akin.

Kinabukasan ay sinundo niya ulit ako pero di tulad kahapon ay ang tahimik ko ngayon at pinapakiramdaman lang yung kilos niya. Hanggang sa makarating kami sa school ay halos hindi ako kumikibo.

Nang buksan nito ang pinto ng kanyang kotse sa tapat ko ay mabilis akong bumaba. Magpapaalam na sana ako para tumakbo pero hinila agad ako nito at saka hinalikan din yung pisngi ko.

"Hoy! PDA ka!" iyon agad ang nasabi ko sabay tingin sa paligid. Napahawak naman ako sa pisngi ko habang bakas sa mukha ko ang gulat sa ginawa niya.

"I don't care." yung lang ang sinabi nito sabay akbay sa akin at maglakad patungo sa classroom ko.

"After your practice later ihahatid ko kayo dun sa kakilala ko na may basketball court." sabi nito nang nasa pinto na kami ng classroom ko.

"Okay." ngumiti ako bago magpaalam sa kanya at saka pumasok na sa loob ng room namin.

"Hoy may nabalitaan ako." salubong sa akin ni Elle.

"Ano 'yon?"

"Mas lalo daw lumakas yung Eastwood dahil dun sa super rookie nila."

"Sino naman?"

"Niles Friaz daw." natigilan naman ako sa binanggit nitong pangalan.

"No way." sabi ko.

"Bakit? Kilala mo ba siya?"

"Siya yung rival ko noong highschool. Pero I thought sa Traelhore siya mag-aaral. She knows na gusto ng parents ko na sa Eastwood ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit nasa Eastwood siya ngayon." saad ko.

"Eh baka gusto niyang maging teammates kayo?" wika ni Elle.

"Or baka gusto niyang ma-elbow ako sa first five. Sobrang competitive nung si Niles. Halos dikit nga lagi ang mga score namin kapag ang team namin ang magkalaban." kwento ko sa kanya.

"Paano ba 'yan, mukhang mas lalo tayong mahihirapan sa tune up game sa Biyernes."

"No. Lalaban tayo." pinal kong saad.

"Wow! Ang ganda naman dito!" excited na wika ni Ashley nang makarating kami sa isang indoor basketball court na pag-aari nung kakilala ni Gabriel. I bet mayaman yun since sobrang mamahalin yung mga gamit na nandito sa loob.

"Okay since alam niyo na kung saan tayo magpa-practice outside the school, after class natin kapag wala tayong practice sa school ay dito agad ang tungo natin. Maliwanag ba?" kanya-kanyang tango naman kaming lahat.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Gabriel at may kasama siyang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay yung kakilala niya.

Nang makalapit sila sa amin ay mabilis agad akong ipinakilala ni Gabriel.

"Troy, this is my girlfriend Venus and her teammates, hon, this is Troy, my friend." nakipagshakehands naman ako sa dun sa kaibigan ni Gabriel na si Troy bago ko ipinakilala yung mga teammates ko na parang kilig na kilig nung makita si Troy maliban lang kay Amethyst na parang gulat na gulat.

"This is Elle, our manager and lastly, this is Amethyst, our best shooting guard." halos lahat sila ay nakipagshakehands kay Troy maliban lang kay Amethyst na parang gusto nang umalis sa lugar na 'yon.

"Nice to meet you all." nakangiting bati ni Troy pero nakatingin lang ito kay Amethyst. Hindi ko alam kung ako lang yung nakapansin nun pero halatang may something sa dalawa.

"Anytime you can go here as long as kailangan niyo itong court. I hope makatulong ako sa team niyo." sabi nito.

"Oo naman pogi! I mean Troy!" kinikilig na sumbat ni Ashley. Napailing nalang ako dahil dun. Oo nga pala at mahilig mag boyhunting itong kambal.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Troy?" tanong ko kay Gabriel nang pauwi na kami galing dun sa basketball court na yun. Sumama naman ang tingin nito sa akin kaya natawa ako.

"Selos ka? Jusko patay na patay ako sa'yo kaya wala kang dapat ikaselos no." mabilis kong saad huli na para marealize ko kung ano yung sinabi ko. Baliw ka talaga Venus! Lantaran mo na talagang inamin na patay na patay ka diyan sa jowa mo!

Tumingin ako sa kanya at nakita kong mabilis itong ngumiti. Binawi agad nito iyon nang mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"He's my teammate before in grade school pero nagmigrate yung family nila sa ibang bansa kaya hindi ko na siya naging kateam noong highschool but he really love playing basketball kaya kahit nasa ibang bansa siya, pinilit pa rin niya yung oarents niya na magpatayo sila ng basketball court dito para kapag nagbakasyon siya ay may paglalaruan siya."

"Halatang mayaman. Pero sino sa inyo yung mas magaling?"

"Ako syempre!" mayabang nitong sagot. Natawa naman ako dahil ngayon lang ata ito nagyabang sa harap ko. Gaya ng dati ay sa bahay na nagdinner si Gabriel.

Dumaan naman ang mga araw at puspusan ang ginagawa naming pag-eensayo. Bukas na yung tune up game namin against Eastwood at nabalitaan namin na nagtawag pa ng media ang mga ito to cover our game.

Nakatulong naman ng kaunti sa team ang extra practice namin. Wala akong ibang itinuro sa kanila kung hindi ang passing, shoiting at pati ang kung papaano ang fastbreaks.

"Goodluck for tomorrow's match." sabi ni Gabriel sa akin nang maihatid ako nito sa bahay.

"Thank you. I hope we'll do good tomorrow."

"You all will. I saw all your preparations and hardworks for that game and I know it will all benefit your team." sabi nito.

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na ito sa akin. Nagtext pa ito na nakauwi na siya at hindi na muna ito tatawag sa akin since kailangan kong matulog ng maaga para sa game namin bukas.

How I really wish na maging maganda ang maipakita namin bukas. Dahil nagtawag ng media ang Eastwood, pagkakataon na namin iyon para mapaangat at mabago ang tingin ng lahat sa aming team.

Buo ang desisyon ko na kahit anong mangyari, pipilitin kong manalo bukas.

**
1k followers na!! Maraming salamat po! ❤

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon