"Gabriel." tawag ko sa boyfriend ko habang kumakain kami ngayon sa cafeteria. Nagtatakang tumingin naman ito sa akin. Dalawa lang kami ngayon kaya malaya akong itanong sa kanya 'to.
"What is it?"
"Ahmm.. anong gusto mong tawagan natin?" nahihiyang tanong ko. Nakakainis kasi yung mga nakasabay ko sa cr kanina. Sinabi ba naman nila na hindi kami ni Gabriel kasi wala naman daw kaming tawagan kaya di sila naniniwala.
"What do you mean?" naguguluhan nitong tanong sa akin.
"I mean anong gusto mong tawagan natin? Call sign. Babe? Baby? Cupcake? Muffin? Honey? Love?"
"How about you?"
"Bakit binabalik mo sa akin yung tanong ko?" sumbat ko sa kanya.
"I don't have any idea about these call signs. Kaya ikaw na pumili."
"So okay lang sa'yo na may tawagan tayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Whatever makes you happy." mabilis nitong sagot.
"How about honey?" biro ko pero nagulat ako dahil parang okay lang sa kanya. "Joke lang." bawi ko agad.
Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin ako nakakapag-isip. Bakit parang mas mahirap pa 'to kaysa sa exam? Nakakaloka.
"Hon, let's go."
Agad akong natigilan atsaka tumingin kay Gabriel na nakatayo na.
"Hon?" takang tanong ko.
"Yeah. Short for honey." parang wala lang nitong sagot. Uminit naman agad yung mukha ko kasi ewan ko ba pero iba yung epekto kapag si Gabriel ang bumibigkas nun.
"Hoy biro ko lang yun kanina." sabi ko sa kanya sabay tayo ko na din para umalis na kami sa cafeteria.
"But it's cute." mabilis nitong sabi at nauna nang maglakad. Hinabol ko naman siya kasi kahit matangkad ako mas matangkad pa rin at mas mahaba biyas ni Gabriel. Ilang hakbang palang ang layo na niya.
Hanggang sa pag-uwi namin ay iyon na talaga ang tinatawag niya sa akin. Ako pa 'tong nagsuggest sa kanya ng call sign pero never ko pa siyang tinawag ng 'hon' or 'honey' kasi nahihiya ako. Inasar pa nga siya kanina nung mga teammates niya kanina nung marinig nila yung tawag niya sa akin.
"Igugrupo ko kayo sa dalawa. Sa Team A ay sina Venus, Claire, Anna at Ashley. Sa Team B naman ay sina Amethyst, Audrey, Savannah and Violet." dahil walo lang kami kaya tig-apat lang na myembro kada team.
Nagready naman na ang lahat at pumunta na sa gitna para sa jump ball. Si Claire at Savannah ang mga center namin kaya silang dalawa ang magju-jump ball.
"Sandali!" napatingin kaming lahat kay Elle nang sumigaw ito.
"Bakit Elle?" tanong ko rito.
"Kailangan pala natin ng referee." napakamot pa ito sa kanyang ulo habang sinasabi iyon. Baliw talaga 'tong babaeng to.
Natigilan naman ang lahat nang pumasok sa gym si Gabriel kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay teammate nito.
Bigla naman akong nakaisip ng solusyon kaya lumapit agad ako sa kanila.
"Hon." tawag ko kay Gabriel. Kahit nahihiya akong tawagin siya nun pero kailangan para masanay ako.
Lumapit naman agad sa akin si Gabriel.
"Any problem?" tanong nito.
"Magpa-practice na kasi kami ng parang actual game ang kaso wala kaming referee. Pwedeng kayo muna nung kasama mo yung magreferee sa amin?"
Pumayag naman ito pero wala daw siyang whistle kaya tinanong ko kung okay lang sa kanya na gamitin yung sa akin. Nakita kong napalunok pa ito bago tumango kaya mabilis kong kinuha yung whistle sa sports bag ko.
May extra whistle naman pala si Elle at ipinahiram nito yun sa teammate ni Gabriel. Nung okay na ay pumwesto sa gitna yung teammate ni Gabriel atsaka inihagis ang bola para sa jump ball.
Napunta agad sa amin yung bola at si Ashley ang nakakuha nun pero hindi pa man nito naipapasa yung bola ay traveling agad.
"Sorry Captain! Sorry!" ilang beses pa itong nag-bow sa amin dahil sa violation niya.
Ngumiti naman ako kay Ashley. "Don't be. Bawi ka nalang, okay?" sabi ko sabay takbo papunta sa kabilang court.
Damn Amethyst is so good. Siya agad ang nakapuntos sa kabila. Napangiti naman ako dahil dun.
Pumunta naman ako dun sa labas ng endline kung saan naghihintay si Gabriel para ipasa sa akin yung bola.
Kinuha ko naman agad yung bola pagkapasa niya at nagdribble agad papunta sa kabilang court kung saan naghihintay ibang mga players.
Naghanap ako kung saan pwedeng magpasa pero bantay sarado lahat. Si Audrey ang nagbabantay sa akin at dahil wala akong mapasahan ay nilusutan ko nalang si Audrey pagkatapos ay saka nagshoot ng tres. Pasok!
"Captain ang galing mo!" masayang bati sa akin ng mga kateam ko. Pero ayokong ganun nalang ang mangyari sa buong laro na ito kaya naman inassign ko sina Anna at Ashley na sila munang dalawa ang kukuha nang bola kapag nakakashoot ang kabilang team.
Kasalukuyang nagd-dribble si Ashley nang maagaw ng guard niya na si Violet ang bola. Nagulat ako sa bilis nito sa pagtakbo pero pumito si Gabriel at nag-handsign ng traveling.
Lumapit ako kay Violet. "You're a fast runner!" mangha kong sinabi sa kanya. Nahihiya naman itong tumango sa akin.
"Wag kang mahiya. We will enhance your running skills."
Sa kabuuan ng aming laro ay kaming dalawa lang ni Amethyst ang maayos ang laro pero madami naman kaming nadiskubre sa mga teammates namin.
"Did you noticed everything Elle?" tanong ko kay Elle nang makalapit ako sa kanya matapos ang laro namin. Panalo ang team ko despite sa mga violations ng mga kasama ko lalo na ni Ashley.
Excited itong tumango sa akin bago kami ngumiti sa isa't isa.
Lumapit naman ako sa kinaroroonan nina Gabriel at ni Carlo yung teammate niya.
"Hey, salamat sa inyo ha." sabi ko sa kanila sabay bigay nung dalawang bottled water na hawak ko.
"Walang problema Miss Venus." saad nung Carlo. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam muna ako sa kanila para mag-ayos.
Matapos namin mag-ayos ay nagkaroon pa ng maikling meeting bago kami umuwi.
Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Gabriel nang maisip kong magtanong sa kanya.
"Hon, ano masasabi mo sa team namin?"
"Still weak but have potential." sagot nito.
"We don't have enough time to practice. Malapit na ang Basketball season. I know my teammates have those skills but they still need to enhance it." halata sa boses ko ang pag-aalala. Napansin naman iyon ni Gabriel kaya nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko.
Napatingin ako doon sa kamay namin na magkasalikop na ngayon bago sa mukha niya. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ito sa akin bago muling itinuon ang atensyon sa daan.
So this is Gabriel's way to calm me. I must that it's so effective.
Nang maihatid niya ako sa bahay ay inimbitahan ko pa siyang pumasok ang kaso ay may lalakarin pa raw ito. Naintindihan ko naman iyon kaya nagpaalam na agad ako sa kanya.
"We really need extra practice time para kahit papaano ay mas mahasa natin yung mga skills ng mga kasama natin before our practice match with Eastwood team." sabi ni Elle.
"That's right pero wala pa akong mahanap na basketball court kung saan tayo pwedeng magpractice."
"At kailangan pa natin ng permission ng mga teammates natin kung willing silang i-give up ang free time nila para sa extra hours ng practice natin." sabi ulit ni Elle.
"Then we'll talk to them later."
**
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
Aktuelle LiteraturIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...