R-18
Dumating ang araw kung kailan gaganapin ang aming playoffs against Stuartz. Marami ang nakaabang sa larong ito rin ang magiging unang laro ko magmula nung mainjured ako.
Kabilaang interviews mula sa amin at maging sa mga players ng ibang teams ay ininterview din patungkol sa magaganap na playoffs.
"I'm really so excited about this match. Malakas silang pareho pero masasabi kong mas lamang ang Stuartz sa Wilhelm." wika ni Brittany nang interviewhin ito.
Napangisi ako dahil halos lahat ng university na kabilang sa SAU ay pabor sa Stuartz.
Halatang maninamaliit pa rin ang teqm namin despite na narito na kami ngayon. Isang hakbang papuntang Final Four.
Hiningian din ng opinion ang mga coaches at lahat sila ay pabor din sa Stuartz. May isa pang nagsabi na mahina ang aming coach, tinutukoy ay si Troy dahil bata pa lang ito at wala pang masyadong experience sa mga ganitong laban.
Nagkibit-balikat lamang si Papa nang matapos naming mapanood ang mga interviews na iyon. Hindi nila alam na si Papa pala ang official head coach namin kaya nila nasasabi iyon dahil sa tutuosin, lahat ng itinuro ni Troy sa team ay mula iyon lahat kay Papa.
"Ready?" tanong ko sa mga teammates ko matapos kaming tawagin dito sa locker room para lumabas na at pumunta na sa court.
"Yup!"
"Oo naman Captain!"
"Sobra!"
Ramdam ko ang excitement nila kaya naman masaya akong tumango bago pinangunahan ang paglalakad papunta sa court.
Pagpasok palang namin doon ay sa amin na nakatutok ang atensyon ng mga manonood. Tumingin ako sa katabi ko at ngumiti ito sa akin bago nagsimulang maglakad papunta sa aming bench.
Mabilis na sumeryoso ang mukha nito at halos hindi mo mabasa kung ano ang nasa isip nito. I'm really glad na si Papa na talaga ang official coach namin. At ngayon nga ay ang paglabas niya sa publiko as our headcoach.
Kumbaga hinintay lang talaga niya akong gumaling at bumalik sa paglalaro bago magpakita sa publiko.
"Teka si Coach Santillan yun ha!" sabi ng isa sa mga taga-suporta ng Stuartz.
"Oo nga no?!"
"Kasama siya sa bench ng Wilhelm ibig bang sabihin siya ang coach nila?"
"Baka naman sinusuportahan lang yung anak niya, si Venus."
"Hindi e, pwede naman niyang suportahan yung anak niya kahit dito siya sa mga audience umupo, kung nandyan siya sa bench ng Wilhelm, ibig sabihin lang, part na siya ng team na 'yan."
Natigilan naman ang dalawa nang may iabot si Troy kay coach Santillan na isang ID na may lace na rin.
Isinuot iyon ni coach Santillan tanda na siya ang bagong headcoach ng Wilhelm.
Nagulat naman ang lahat dahil dun at maging ang team ng Eastwood na nanonood sa kanilang club room.
"What?! Paanong nangyari 'yon? I thought hindi pwedeng magcoach si Mr. Santillan sa ibang team?" galit na wika ng headcoaxch nila.
Naging problemado ang buong Eastwood team dahil dun.
Samantala nabigla ang team Stuartz nang makita nila si coach Santillan dahil alam ng mga ito na pagdating sa coaching ay napakataas ng porsyento nitong maipanalo ang team nito.
Halos manlamig ang coach ng Stuartz dahil minsan na niyang nakaharap si coach Santillan sa professional league at alam nito kung gaano ito kagaling sa pagbabasa ng mga plays at makagawa agad ng strategy.
![](https://img.wattpad.com/cover/238727179-288-k638170.jpg)
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...