Magsisimula na ang laro kaya busy akong kumakausap sa mga teammates ko kung ano ang gagawin namin. Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa unang game namin kaya naman tinodo ko talaga ang pagre-research tungkol sa laro ng Ravenleign para gumawa ng game plan.
Hindi ko namalayan na dumating na pala sina Papa at Mama sa Arena. Pero dahil tutok ako sa laro namin ay hindi ko na sila napansin.
"Amethyst! Ikaw magbabantay kay number 24, Anne! sa'yo si number 19. Claire ikaw sa center nila, Audrey! Ikaw kay number 4 at ako naman kay number 1 maliwanag ba?"
"Yes captain!"
"Okay let's go!"
Pumunta kami agad sa loob ng court para sa pagsisimula ng laro. Natuwa ako dahil sa amin napunta ang first ball kaya naman madali itong ipinasa ni Anne sa akin. Madali kong nalusutan ang nagbabantay sa akin at nakagawa agad ako ng two points.
"Defense!" hindi ko alam kung kaninong boses iyon dahil wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi ang kasalukuyan naming laro.
Kasalukuyan kong binabantayan si number 1 ng Ravenleign at dahil sa higpit ng depensa ko ay ipinasa nito ang bola sa teammate niya na binabantayan ni Anne. At dahil mabilis ang reflection ni Anne ay naagaw niya ang bola kaya mabilis kaming tumakbo para sa isang fastbreak.
Ipinasa nito sa akin ang bola pagkatapos ay ipinasa ko iyon sa naghihintay na si Amethyst sa three point line at pasok!
Nasundan pa iyon ng oanibagong fastbreak point kaya naman maagang nag-timeout ang Ravenleign.
"Good job guys! Keep it up!" bati ni Elle sa amin pagbalik namin sa bemch.
Kinausap ko naman ulit ang mga teammates ko na huwag agad magpapakumpyansa sa score namin ngayon. Hindi basta basta kalaban ang Ravenleign dahil isa sila sa mga nakapasok sa Final Four last season.
Hawak ang coaching board ay itinuro ko sa kanila kung anong mga plays ang gagawin namin.
Nang magsimula ulit ang laro ay nakagawa na rin ng puntos ang Ravenleign pero sinasagot naman agad namin iyon.
Kaming dalawa pa rin ni Amethyst ang halos pumupuntos, paminsan-minsan ay si Claire din sa gitna.
Kaya naman napanatili namin ang aming lamang hanggang sa matapos ang second quarter.
Mabilis kaming bumalik sa aming locker room pagkatapos ay nagplano ulit ng mga bagong plays para sa susunod na quarter.
Alam kong babawi ang Ravenleign at tinitiyak kong handa ang team para dun.
Matapos ang ilang minutong halftime break ay lumabas na kaming muli at bumalik sa bench area.
Dahil nasa second half na kami ng laro ay magpapalit na kami ng court. Sa amin na ngayon ang court na nasa aming tapat kaya naman nag-warm up ulit kami sandali para medyo masanay kami habang hindi pa tumutunog ang buzzer.
Iba't ibang klase ng shooting ang ginawa naman para maging pamilyar kami sa panibaging court.
Napansin ko ring dumarami na ang manonood at halos lahat ay mga taga-hanga ng Ravenleign.
Bumalik kami sa bench nang tumunog na ang buzzer at naghanda na kami para sa quarter na ito.
"Okay, let's go team!" sigaw ni Elle. Napangisi pa ako dahil ganadong-ganado ito dahil lamang kami ng sampung puntos nang magsimula ang second half.
"Anne!" sigaw ko nang maagaw ulit nito ang bola. Mabilis nitong naipasa iyon sa akjn pero nagulat ako nang biglang may humarang sa akin na dalawang players ng Ravenleign.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
قصص عامةIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...