Simula nang manalo kami against Stuartz ay nagtuloy-tuloy na ang mga panalo namin kaya naman mas natuon ngayon sa aming team ang atensyon mula sa iba't ibang media at halos ang team nalang namin ang laman ng mga sports news.
At mas lalo lamang na tutok ang media sa amin dahil ang susunod na naming makakalaban ngayon ay ang Eastwood University.
May isang linggo pa para magprepara kami kaya naman walang sinayang na oras si coach at matinding pag-eensayo talaga ang aming ginawa.
"Date tayo." napahinto ako sa paglalakad nang biglang ayain ako ni Gabriel na magdate kami kasi sa totoo lang wala pa ata sa lima ang mga dates namin mula nang maging kami sa sobrang busy namin sa aming mga teams."
"Talaga?! Kailan? Saan?" sunud-sunod kong tanong sa kanya dahil sa tuwa.
"Tomorrow? You have a one day break right?"
Tumango naman ako. Sinabi nga pala sa amin ni coach kanina na pahinga kami bukas.
"Okay. Tomorrow then."
At kinagabihan nun ay halos hindi na ako makatulog so sobrang excited ko. Pero bigla akong natakot nang maisip na baka mapuyat ako at maging kamukha ko pa si Harry Roque bukas.
At mabuti nalang nakatulong sa akin yung pakikinig ko ng mga mellow music at nkatulog ako.
"Good morning!" masayang bata ko kay Gabriel kinabukasan nang sunduin niya ako para sa date namin.
Inabot naman niya agad yung kamay ko atsaka inakay papunta sa kotse niya. Nang makasakay at maiayos ang seatbelt ko ay agad akong lumingon sa kanya na ngayon ay kakasakay lang.
Simpleng puting blouse at pants lang ang sinuot ko para di halatang excited ako.
"Saan tayo magde-date?" excited kong tanong sa kanya.
"Saan mo ba gusto?" balik tanong nito.
Napanganga ako. "So hindi mo pa planado?" nagkibitbalikat lang ito. Grabe excited pa man din ako tapos wala pa palang plano 'tong kasama ko. Bahala na nga.
"Kain muna tayo. Hindi pa ako nagbreakfast e kasi excited ako sa date natin na hindi naman pala planado." sarkastiko kong sinabi pero tinawanan lang ako nito.
Huminto kami sa isang lugar kung saan magkakatabi lamang ang kga restaurant para makapili kami kung saan namin gustong kumain.
Private lang ang lugar na ito at halatang mayayaman ang mga nagpupunta dito.
"Hon, sigurado kang dito tayo kakain? Baka naman presyong ginto yung mga pagkain nila dito ha?" sabi ko kay Gabriel habang naghahanap kami kung saan kakain.
Hinawakan naman nito yung balikat ko at saka marahang itulak para magpatuloy sa paglalakad kasi huminto ako at humarap sa kanya kanina.
"Don't mind about it. Just choose where you want us to eat. I'm starving na." wika nito na may pilyong ngiti. Umirap nalang ako sa kanya bilang sagot.
Kasalukuyan kaming naglalakad nang biglang akong mapahinto sa tapat ng isang Italian restaurant.
"Dito na?" tanong ni Gabriel. Papasok na sana ito pero pinigilan ko siya at nanatiling nakatitig lamang doon sa tatlong tao na nasa isang table.
Nagtataka namang napatingin din doon si Gabriel at tulad ko ay natigilan din ito.
Magkakasama lang naman kasi sa iisang table yung President ng SAU na si Mr. Fernandez, yung magandang assistant coach ng Eastwood University at ang aming coach na si Coach Hero.
"Bakit sila magkakasama? Close ba silang tatlo? Tsaka parang ang seryoso ng usapan nila." sunud-sunid kong tanong kay Gabriel. Hindi naman na ito sumagot bagkus ay hinila nalang ako nito para umalis doon.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...