Epilogue

24.8K 671 136
                                    

"Sama ka na! Opening ceremony palang naman ngayon bukas pa yung game natin." aya sa akin ni Dennis, teammate ko. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng stadium dahil sa pagsisimula ng Palarong Pambansa.

Kakatapos lang ng opening ceremony kanina at gusto ng mga teammates kong maglibot muna raw pero alam ko naman na gusto lang nilang maghanap ng magagandang babae.

Napailing nalang ako sa naisip. Hindi sana ako sasama pero dahil makulit ang lahi ng mga ito ay sumama na rin ako.

Wala naman akong balak tumulad sa kanila, gusto ko lang bantayan ang mga 'to dahil baka may ibang kalokohang maisip.

"Ayun oh bro ang ganda! Volleyball player ata." rinig kong sabi ni Dennis sa isa sa mga teammates namin.

Dahil wala akong interest sa mga pinaggagagawa ng mga teammates ko ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa dala kong phone at naglaro.

"Bro ayun! Sobrang ganda! Basketball player ata!" puno ng excitement na saad ng isang teammate ko.

"Oo nga! Sigurado kang basketball ang sports niya? Parang sobrang ganda niya para maging basketball player." wika ni Dennis. At dahil na-curious ako sa pinag-uusapan nila ay inangat ko ang tingin ko at hinanap kung sino iyon.

"Ayun oh Gab, yung nakasuot ng puting tshirt at itim na track pants. Ang simple niya manamit pero mukha siyang dyosa siya." sabi ni Dennis sa akin.

"What's her name?" bigla kaming nagkatinginan ni Dennis pagkasabi ko nun, parehong gulat sa nasabi mo. Unti-unti naman itong ngumiti sa akin.

"Mga bro kailangan nating malaman ang pangalan ni Miss Dyosa dahil interesado ang pihikan nating teammate na nasa tabi ko." sabi nito sabay turo sa akin. Nagngisihan naman ang lahat sa akin.

"I didn't said that." pagkasabi ko nun ay nagwalk out na ako para hindi na nila ako kulitin.

"Venus Francesca Santillan, basketball player at siya ang ace ng team nila. Single at walanpang naging boyfriend. May kailangan ka pa bang malaman tungkol sa kanya?" iyon agad ang sinabi sa akin ni Dennis kinaumagahan habang naghahanda kami para sa aming magiging laro mayamaya.

"I told you I'm not interested." sabi ko nalang para tigilan na niya ako sa pangungulit tungkol sa magandang bavaeng iyon.

"Bahala ka." pagsuko nito.

Akala ko titigil na ang mga ito sa pangungulit sa akin pero mas grumabe lang ang pang-aasar nila sa akin na humantong pa sa pagtulong sa kanilang team na buhatin ang mga drinks nila.

Matapos iyon ay agad kong binatukan ang mga teammates ko dahil hiyang-hiya ako sa mga pinaggagagawa nila.

Huling araw na ng palarong pambansa. Narito ako ngayon sa isang cafeteria para kumain mag-isa dahil ang kukupad ng mga kasama ko kaya nauna na ako.

Habang nakapila ay napansin kong si Venus iyong kasalukuyang bumibili. I saw her bought a muffin at hindi ko alam kung bakit iyon na din ang binili ko.

Umupo ako sa isang gilid na hindi niya tanaw mula sa kinauupuan niya. I've noticed that she rarely smile to everyone even to her teammates. Parang nabibili yung ngiti niya and she's really simple.

She's just wearing a simple shirt and a jersey short but she's still beautiful. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya.

"Naks naman, narecruit na agad ng Wilhelm University." bungad sa akin ni Dennis pagpasok sa aming classroom.

"Ikaw saan magco-college?" tanong ko rito.

"Sa Eastwood ako. I heard dun din mag-aaral yung crush mo."

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon