Chapter 38

15.9K 432 50
                                    

Salamat sa paghihintay.
This is the final chapter.
Enjoy :)

**

If we won, we will have another game.

If we lose,then it will be our final game.

and I won't let that happen to my team.

"Bakit mo ba ako pinigilan kanina, ready na kong sumbatan yung bruhildang may kalawang na buhok e." inis na sabi ni Elle pagbalik namin sa locker room.

"Ano naman ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Na siya yung dahilan kung bakit ka na-injured. Na dinaya nila tayo nung time na yun."

"Hay nako, kung iisipin mo pa rin yan hanggang ngayon, patuloy ka pa ring makukulong sa nakaraan at hindi ka makakausad kaya uso rin ang move on okay?, try mo." natatawang sabi ko sa kanya.

"Aba at kailan ka pa naging makata Venus!" habol nito sa akin pero tinawanan ko lang siya.

Hindi naman nagtagal ay narito na kami sa loob ng court at kasalukuyang nagwa-warm up.

Kumaway agad ako kina Mama nang makita ko siya sa mga audience kasama si Gabriel. Hindi naman pamilyar sa akin ang babaeng nasa kabilang side niya pero kinakausap niya ito.

"That's my mom." sabi ni Elle kaya nanlaki ang mga matang napatingin ako kay sa kanya.

"Really?!" parang kailan lang naalala ko na sinabi ni Elle na against ang parents nito sa course na kinuha niya.

"Yup. Enjoy na enjoy daw silang makita akong nagco-coach, para daw akong manager kaya sa akin pa rin ipapamanage ng parents ko yung business namin. Ang weird nila 'no?"

"Wala ka talagang takas." natatawang saad ko. Umirap lang ito sa akin bago nagpatuloy sa pagpulot ng bola.

"Gosh he's so annoying." rinig kong bulong ni Amethyst na nasa likod ko. Nakapila kasi kami para sa freethrow shooting drills namin.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin ito kay Troy at sa matandang lalaki na kasama nito. Tumitig ako doon sa matanda at napansing hawig nito si Amethyst.

"Daddy mo?" tanong ko rito. Tumango agad ito pero halatang iritado.

Tumingin akong muli doon sa pwesto nila Troy at masasabi kong close na close ito sa daddy ni Amethyst.

Ilang minuto pa ang lumipas ay halos pawisan na ang aming mga katawan bunga ng aming warm ups. Tumunog muli ang buzzer na hudyat na magsisimula na ang laro.

Isa-isa nang tinawag ang mga first five ng magkabilang teams. Agad naman akong tumakbo papunta sa court nang tawagin ang pangalan at jersey number ko.

Malakas na hiyawan naman ang maririnig mula sa magkabilang panig ng arena. Natutuwa ako dahil hindi ko akalaing ganito na kadami ang sumusuporta sa amin ngayon.

Nagready na kami pa sa jump ball at nagsimula na nga ang laro nang pumito ang referee at ihagis ang bola sa ere.

Sa team Eastwood agad napunta ang first ball at agad nila iyong naishoot. Kinuha naman ni Audrey yung bola sabay pasa sa akin. Nariyan naman agad ang guard na magbbantay sa akin pero madali ko lang siyang nalusutan atsaka ipinasa kay Amethyst ang bola dahil libre ito sa kanyang pwesto pero nagulat ako nang hindi niya iyon naipasok.

"Depensa agad!" sigaw ni Papa kaya mabilis kaming bumalik sa kabilang court at nagform ng defense. Umabante agad si Audrey para bantayan ang may hawak ng bola na si Britanny.

Matindi ang pagbabantay na ginagawa ni Audrey pero nagulat ako nang tawagan siya ng foul.

"What? Bola yun!" sigaw ni Audrey na halatang hindi makapaniwala na tinawagan siya ng foul.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon