Chapter 33

13.3K 342 30
                                    

"Hon, di ba nagbabakasyon lang si Troy dito? Okay lang ba na siya muna ang maging coach namin?" tanong ko kay Gabriel nang pauwi na kami.

"Don't worry, he's taking online classes and nasa team niyo yung inspiration siya kaya walang problema sa kanya." sagot nito.

"Si Amethyst." napangiti ako sa naisip. Sabi na nga ba at may something sa dalawang 'yon e.

"Next week na ang start ng second round, do you want us to watch live?"

Huminga ako nang malalim. Fresh pa sa utak ko iyong pagkatalo namin against Eastwood at ngayong second round ay sila ang unang makakalaban ng aming team.

"Kahit gusto ko, sabi ng doctor na umiwas muna ako sa mga crowded na lugar at baka hindi maiwasan na masagi ang braso ko." paliwanag ko.

"Okay, sa bahay niyo nalang tayo manonood."

Nang makarating kami sa tapat ng aming bahay ay hindi muna ako bumaba sa kotse niya.

"Sa tingin mo, hihingi kaya ng tawad si coach sa akin?"

"If he has a conscience, then yes."

Hinatid ako nito hanggang sa pinto ng bahay namin. He was about to give a me a goodbye kiss but the door behind my back suddenky opens. Muntik pang mapatalon si Gabriel. Hahagalpak na sana ako sa tawa pero pinigilan ko lang dahil si Papa pala yung nagbukas ng pinto.

"Andito na pala kayo, pasok na sa loob at kakain na and Gabriel, we need to talk." kitang-kita ko kung papaanong napalunok si Gabriel pagkasabi ni Papa na mag-uusap sila.

"Are you nervous?" tanong ko rito pagkapasok sa bahay.

"Me?" tumawa ito pero halatang peke. "Of course! That's your father." bulong nito at hindi ko na napigilan yubg sarili ko at tumawa na talaga ako ng malakas.

Sa bahay na nga kumain si Gabriel at pagkatapos nun ay nag-usap sila ni Papa sa sala. Hindi na ako nakinig dahil mukhang pribado ang usapang 'yon.

"W-Why are staring at me like that?" kinakabahang tanong ni Troy sa akin. Hinatid kasi ako ni Gabriel dito sa private court niya dahil dito ngayon magpapractice ang mga teammates ko. Susunduin naman ako nito mamaya kapag natapos na ang practice nila.

"Nakakapagtaka lang kasi ang bilis naming magkaroon ng bagong coach at ikaw pa yung pumalit na magcoach sa team namin. Kung dati palang na alam naming gusto mong magcoach edi sana hindi na kami naghirap na maghanap ng coach." sabi ko habang kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Oh well, hindi kayo nagtanong sa akin." pilosopo nitong sagot.

"At bakit ka naman namin tatanungin? E ang bata bata mo pa para maging coach!" singhal ko.

"Nasa legal age na kayo ako."

"Legal age mo mukha mo, mukha ka pa ring katorse!"

"Syempre baby face ako."

"Hindi rin, kailangan mo lang talaga ng gatas."

"Aba sumusobra ka na ah!" bumelat lang ako sa kanya bago tinawag si Amethyst.

"Tawag ka ni Troy may sasabihin daw siya." sabi ko bago lumapit sa mga teammates ko para magpaalam dahil nagtext na si Gabriel na nasa labas na raw ito.

"Why are you smiling like that?" bungad ni Gabriel sa akin pagkasakay ko sa kotse niya.

"Wala, ang cute lang kasing asarin ni Troy." sagot ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito kaya nagtaka ako lalo na't hindi ako nito kinakausap hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon