"Oh? Di ba si Pristine yun?" gulat na tanong ni Elle nang magtungo kami sa gymnasium para sa unang araw ng practice namin kasama ang men's team.
Napahinto naman ang lahat dahil dun at tumingin sa direksyon kung saan naroon yung tinutukoy ni Elle. At dahil nasa likod ako nakayukong naglalakad, nabunggo ako sa likuran ni Amethyst. Nahihiya kasi ako kay Gabriel. Asa naman ako, as if naman may pake yun sa akin.
Inangat ko ang ulo ko at pasimpleng tumingin din doon. Halos matumba naman ako at napahawak pa kay Amethyst nang malaman ko kung sino ang Pristine na tinutukoy ni Elle. Siya yung babaeng kasama ni Gabriel at yung pinangalanan kong unggoy!
"Sino ba 'yan?" pasimpleng tanong ko.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin na parang hindi makapaniwalang hindi ko kilala yung Pristine na 'yun.
"Seryoso?! Hindi mo kilala si Pristine?!" exaggerated na tanong ni Elle.
"Magtatanong ba ako kung oo?!"
"Seriously, ikaw lang ata hindi nakakakilala sa kanya!" sabi na naman ni Elle.
Wala akong pakialam. As if naman ikakayaman ko kapag kilala ko siya.
"Duh. Ikaw Amethyst kilala mo ba yun?" tukoy ko kay Pristine. Umiling naman itovbilang sagot kaya nakangisi akong tumingin kay Elle. Inirapan naman ako nito bago sumagot.
"Si Pristine and nag-iisang anak ng President ng SAU at kaya halos lahat kilala siya dahil bukod sa kilala ang tatay nito, sobrang ganda at bait din niya siya din ang palaging nagmomodel sa SAU sa iba't ibang sports magazines." proud na sagot ni Elle.
"Proud ka ah. Kilala ka?" pambabara kong muki sa kanya.
"Hindi. KJ nito" mabilis nitong sagot at inirapan ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Natawa nalang ako at saka sumunod na din sa kanila.
Nawala tuloy sa isip ko si Gabriel dahil dun. Nang makarating kami sa side kung saan kami magpapractice ng iba't ibang drills ay saka naman lumapit sa amin ang coach ng men's team.
"Hello ladies! Handa na ba kayo?" tanong nito sa amin. Mabilid kaming sumagot ng oo sa kanya kaya pinagstretching niya muna kami bago kami papuntahin sa loob ng court para naman sa panibagong warm up.
Kasalukuyang nagpapahinga ang men's team kaya kami muna ang umukopa sa buong court.
Dahil gustong makita ni coach ang shooting skills namin ay pinaglinya niya kami sa may freethrow line para isa-isang magshoot.
Nasa hulihan kami ni Amethyst kaya halis mga baguhan ang nauna sa amin. Napakagat labi ako nang halos hindi pa umabot sa ring ang mga shoots nila. Hindi pa kasi namin iyon napapapractice. More on dribbling and passing palang kasi kami.
Nakarinig naman ako ng malalakas na tawanan mula sa mga men's team kaya nag-init ang ulo ko nang mapagtantong mula iyon sa boyfriend ni Nikka. Alam kong hindi pa ganun kagaling ang mga teammates ko kaya nakaramdam ako ng inis mula sa kanila.
Si Ashley na ang magsho-shoot at ako ang susunod sa kanya. Nasa likuran lang ako nito pero may hawak na akong bola.
Nagshoot ito pero tumama lang ito sa gilid ng ring kaya mabilis kong ibinato ang bolang hawak ko patungo doon at parehong nashoot ang mga ito.
Tumahimik ang buong gym at tunog lang ng tumatalbog na bola ang maririnig.
I literally throw the ball, not in a shooting form instead I just swing my hand that holding the ball and throw it fast in the ring.
No one expected it. Well expected ko na rin yun. I just don't want to hear their loud judging laughters so I did something how to make them silence. To show something they can't even do.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
Ficción GeneralIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...