Chapter 14

14.8K 399 89
                                    

"Welcome back Captain!" bati agad sa akin nung kambal pagdating ko sa club room. Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa bago nagpasalamat. Mukha kasing pinaghandaan nila ng bongga yung pagbati sa akin.

"Kamusta kayo these past few days na wala ako.?" tanong ko sa kanila.

"Okay naman po Captain. Mas namotivate nga kaming magpractice para kapag bumalik ka maging proud ka sa amin."sagot ni Ashley.

"Talaga? Kung ganun ipakita niyo sa akin lahat ng natutunan niyo mamaya ha." sabi ko. Tumango naman sila at hindi naman nagtagal ay nagsipunta na kami sa aming mga klase.

Breaktime nung time na yun at kausap ko si Elle nang biglang may tumawag sa akin.

"Venus may naghahanap sa'yo sa labas." sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"Sino?" takang tanong ko.

"Check mo nalang." sagot nito kaya tumayo ako at saka lumabas. Agad kong nakita roon yung captain ng men's basketball team na nabunggo last time.

"Hi!" bati nito sa akin.

"Hi. You're Crispian, right?"

"Ah yeah but you can call me Cris nalang." sagot nito.

"Okay. Bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong ko ulit sa kanya. Iniisip ko naman na tungkol sa basketball yung ipinunta niya pero nagtaka ako nang iabot nito yung isang box na may lamang chocolates.

Chocolates. I know what it means already.

"For you." sabi nito.

"Ah.. para saan?" kunwaring wala akong ideya.

"Ah..." hindi agad ito nakapagsalita kaya inunahan ko na siya.

"Gusto mo bang manligaw sa akin?" diretsahan ko nang tanong. Naghintay ako sa isasagot nito hanggang sa nahihiya itong tumango.

"I'm sorry but-" sabi ko agad. Nagtatakang napatingin naman ito sa akin. "you can't court me 'cause I already like someone else. Ayokong paasahin ka kaya sinasabi ko na sa'yo 'to. I'm really sorry." wika ko sa may mahinhin na boses para alam niyang sincere ako sa sinasabi ko.

"Ganun ba." pilit ang ngiti nitong saad. Masyado ba akong harsh? Pero ayoko naman magpaasa dahil kahit manligaw sila sa akin, sa ibang tao pa rin nakatuon ang atensyon ko. Ayoko naman maging unfair sa kanila kaya kada kay gustong manligaw sa akin ay binabasted ko agad.

Nag-usap pa kami sandali bago ito magpaalam. Pumasok na ako sa loob bitbit yung box na may lamang chocolates na isosoli ko sana sa kanya pero ang sabi niya ay remembrance ko nalang daw sa kanya iyon.

Natuwa nga ako sa kanya kasi hindi na siya nagpumilit na ligawan ako, inaccept niya na agad yung desisyon ko unlike sa iba na ipagpipilitan pa talaga yung sarili nila sa akin eh tumanggi na nga ako.

"Ano 'yan?" tukoy ni Elle sa hawak ko.

"Chocolates." sagot ko bago inilapag sa harap niya.

"Talaga?! Pahingi!" nagpaalam pa ito e binuksan naman na niya agad.

"Gusto mo?" alok nito pero umiling ako. Lakas nito mang-alok e akin naman yun. "Sino pala nagbigay?" tanong nito habang kumakain.

"Si Cris, yung captain ng men's team." sagot ko habang nilalabas yung notes ko.

"Huh?! Bakit?! Nanliligaw ba siya sa'yo?!"

"Manliligaw sana kaso binasted ko na agad." parang wala lang na sagot ko habang iniiscan yung notes ko.

"What?! Si Crispian? Binasted mo lang?!" hindi makapaniwalang saad nito.

"Wala akong gusto sa kanya eh."

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon