Chapter 11

14K 402 109
                                    

"Ouch!" sabi ko habang minamasahe yung paa ko. Nasa kwarto ko na ako ngayon at kakauwi ko lamang. Mabuti nalang wala si Mama kundi ay magtataka ito sa akin dahil hirap na hirap akong umakyat sa hagdan kanina.

Ayaw na ayaw pa man din nilang nakikita akong ganito dahil isa ito sa pinakamasakit na parte sa pagiging athlete. Kaya ingat na ingat sila sa akin. Kaso nangyari 'to. Mabuti nalang at minor injury lang to at kaunting masahe at pahinga lamang ay gagaling na. Buong hapon naman akong nagpahinga sa kwarto ko para hindi na masyadong mapwersa itong paa ko.

Dahil hindi ko kayang kumilos ng mabilis, hindi muna ako gumawa ng muffin ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako ng kwarto ko at nakisalo sa mga magulang ko sa pagkain ng almusal. Hindi ko pinahalata sa kanila na may iniinda ako at kahit sobrang sakit na ay pinilit kong maglakad ng diretso papunta sa sasakyan ni Papa para hindi niya ako mahalata.

"Good morning!" bati sa akin ni Elle nang makarating ako sa aming classroom. Agad akong umupo sa aking upuan atsaka nagpunas ng kaunting pawis. Ang layo naman kasi ng room namin mula dun sa gate ng school kaya kapag nasa crowded na lugar ako pinipilit ko yung sarili kong maglakd ng maayos. Kaso ang hirap magpigil kaya nung malapit na ako sa classroom namin ay iika-ika na akong maglakad.

"Bakit pawis na pawis ka atsaka late ka ngayon ah?" tanong nito sa akin pagkalapit niya.

"Wala tumakbo kasi ako akala ko kasi late na ako." palusot ko.

"I'm not buying that reason. Ayan yung relo mo oh." sabay turo nito sa relong suot ko na bigay ni Papa noong debut ko.

"Tss! Ano ka detective? Dami mong tanong dun ka na nga!" at pinalayas ko siya sa harap ko.

"CR lang ako." paalam ko kay Elle matapos ang unang klase namin.

"Samahan na kita." sabi nito pero umiling nalang ako bilang pagtanggi. Ayoko kasing mabuking niya ako.

Papalabas na ako sa CR nang bigla kong nakita si Gabriel sa kabilang side ng hallway at nakasandal sa pader nito. Mukhang may hinihintay ito. Pero dahil alam ko namang hindi ako iyon ay binalewala ko nalang atsaka dahan-dahang naglakad pabalik sa classroom namin pero natigilan ako nang lumapit ito sa akin.

"Can we talk?" tanong nito. Nagtatakang napaangat tingin ko sa kanya at ang seryosong mukha agad nito ang bumungad sa akin.

"H-Ha?" wika ko. Gulat pa sa sinabi nito.

"I said can we talk?" ulit nito. Narinig ko naman ng maayos yung sinabi nito pero hindi lang ako makapaniwala na gusto niya akong kausapin.

"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya.

"About yesterday." mabilis nitong sagot.

"Ah eh.. hindi ko sinasadya yun promise! Napadaan lang talaga ako." kinakabahan kong saad pero parang hindi ito naniniwala sa akin.

"Jaylord and his friends came to me earlier." iyon palang ay kinabahan na ako.

"A-Anong sinabi nila sa'yo?"

"They asked me how does it feel to walk around the campus naked. I don't have any idea why they're asking me that and then one of his friends told me about what they did on my bag. I saw you yesterday on the shower room. My bag was on the floor. Tell me, you picked up my bag right?" wala na buking na ako.

"Sorry." nakayukong sabi ko dahil ang seryoso lang nito at parang galit siya dahil sa tono ng boses niya.

"Bakit ikaw yung nagso-sorry. I should be the one saying sorry to you." he said kaya nagulat ako at napatingin muli sa kanya.

"Huh?!"

"I saw you limping yesterday."

"Ah..yun ba..okay lang wag mo nalang isipin yun. Okay naman na ako." sabi ko.

"Not when I saw you limping again today. Come." napasinghap ako ng patalikod itong lumuhod sa harap ko.

"B-Bakit?" naguguluhan kong tanong dahil sa biglaan niyang pagluhod sa harap ko.

Tinapik naman nito ang kanyang likod kaya naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin.

"Gusto mo akong sumampa diyan sa likod mo?" paninigurado ko.

"You shouldn't force yourself to walk. Mas mas mapapatagal ang paggaling ng paa mo." sagot nito.

At kahit nahihiya ako ay dahan-dahan akong sumampa sa likod niya. Syempre minsan lang mangyari 'to kaya susulitin ko na.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang maglakad na ito matapos akong sumampa sa likod niya.

"In my car. Ihahatid kita pauwi sa inyo since you need to rest."

"Huh?! Hindi pwede!" napasigaw ako bigla. Hindi niya ako pwedeng ihatid sa bahay kasi malalaman nila mama kung ano yung nangyari sa akin, malalagot na naman ako sa kanila.

"Why?" nagtaka naman ito sa biglaan kong pagsigaw kaya naman nag-isip ako ng ipapalusot.

"Ah eh kasi ayaw nila Papa na may nakakasama akong lalaki. Mapapagalitan ako. Alam mo yun, pagkakamalan ka nilang boyfriend ko. Syempre hindi pwede sa part mo yun kasi bigla kang magkakaroon ng instant sporty at mala-dyosang girlfriend. Di ba? Shooked ka? Ako din eh hehe kaya tara na sa classroom ko. Doon mo nalang ako ihatid." wala na akong pakialam sa mga sinasabi ko basta huwag niya lang akong ihatid sa bahay ngayong oras kasi mabubuking talaga ako nina Papa.

Wala itong sinabi at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Napatingin tuloy ako sa mukha niya na kahit side view lang ay ang gwapo pa rin.

"Ihahatid pa rin kita." sabi nito matapos ang ilang sandaling pananahimik niya at saka binuksan niya ang kanyang kotse akmang ibababa niya na ako pero hindi ako bumitaw sa pagkakakapit ng mga kakay ko sa bandang leeg niya at maging ang mga paa ko ay ipinagsalikop ko na para hindi niya ako maibaba.

"Please please please! Huwag na please! Sa classroom nalang talaga please!" halos maiyak na ako sa pagmamakaawa sa kanya kasi naman nakakatakot magalit ni Papa ang laki pa nga ng kasalanan ko sa kanya dadagdagan ko pa.

Narelax lang ako sa pagkakakapit sa kanya nang marinig ko itong magbuntong-hininga bago isara ang kotse na binuksan na niya kanina para sana isakay ako.

"Thank you." mahinang wika ko habang nakatago ang mukha sa kanyang likod.

Naramdaman ko itong naglakad muli at inayos pa ang pagkakapasan ko sa kanya. Dahil nahihiya na ako sa inasal ko kanina ay tinago ko nalang ang pagmumukha ko sa likod niya hanggang sa namalayan kong huminto ito sa paglalakad.

Unti-unti kong inangat ang mukha ko para tignan kong nasaan kami. Napagtanto kong dinala niya ako sa clinic ng school.

"Since ayaw mong umuwi. Dito ka nalang magpahinga." sabi nito atsaka inalalayan ako papunta doon sa isang bed na sa pagkakaalala ko ay doon ako noon nakahiga noong nawalan ako ng malay.

"Salamat." sabi ko nang ibaba na niya ako doon. Tumango naman ito. "Sige una ka na, may klase ka pa ata nakaistorbo pa ako."

Huminga lang ito ng malalim bago marahang tumango. Ang gwapo niya talaga.

Nasa pintuan na ito nang bigla itong huminto at humarap sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"I just wanna say that it's okay for me to have a sporty and maladyosang girlfriend." yun lang at umalis na ito.

"Huh?" napanganga naman ako sa pagkalito sa sinabi nito at pinoproseso pa sa utak ko ang mga salitang binitawan nito at nang matapos ang ilang segundong pag-iisap ay biglang nanlaki ang mata ko sa naalala ko.

"Ow shit!"

**

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon