Papalabas kami ng aming classroom nang makita ko si Gabriel na naghihintay sa labas kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
"Hi!" bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito lalo na nung makita niyang suot ko pa rin yung jacket niya.
"Let's go." aya nito pero kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Saan?"
"Lunch time na right? Let's eat lunch together." napangiti agad ako sa sinabi nito bago tumango. Niyaya ko naman si Elle pero ayaw niya daw maging third wheel kaya dalawa lang kami ni Gabriel ang magkasamang naglunch. Habang si Elle ay nakiupo sa mga teammates ko.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Gabriel nang mapansin kong halos sa amin nakatingin ang lahat ng mga students na narito sa cafeteria ngayon. Bigla tuloy akong na-conscious sa pagkain ko at napansin iyon ni Gabriel. Grabe lagi nalang ba nila akong tititigan kada nandito ako sa cafeteria?
"What's wrong?" tanong nito.
"Nakatingin na naman sila sa atin. Feeling ko buong kaluluwa natin nakita na nila." sagot ko.
"Just eat and don't mind them." sabi nito bago muling kumain. Minsan ay tumitingin ako sa kanya kasi hindi pa rin ako makapaniwala na kami na at kasama ko siyang kumain ngayon dito sa school.
"Will you wait for me later. May practice kasi kami."
"Okay lang. Manonood nalang ako ng practice niyo habang hinihintay ka. Baka sakaling may matutunan pa ako." sagot ko.
"Just don't stare too much on our Captain." natawa naman ako sa sinabi nito.
"Noon palang na sa'yo na atensyon ko." mabilis kong sagot. Napahinto naman ito atsaka ngumiti sa akin. Parang may narinig pa akong tumili sa bandang likuran ko dahil siguro sa pagngiti niya. Malimit lang kasi itong ngumiti kaya siguro maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kasi medyo suplado yung awra niya.
Pagkatapos ng klase ko sa araw na iyon ay nagpaalam na ako kay Elle na tutungo muna ako sa gym para doon maghintay kay Gabriel. Pagdating ko dun ay naabutan ko silang nagwa-warm up palang. Hindi agad nila ako napansin dahil nakatalikod ang mga ito sa akin.
Pumunta namn ako doon sa bleachers para doon umupo at manood ng kanilang practice.
Pagkatapos ng kanilang warm ups ay may mga drills silang ginawa. Sa pangalawang drill nila ay doon lamang ako napansin ni Gabriel kaya kumaway ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin bago nagpatuloy sa kanilang practice. Lalapit pa sana ito sa akin pero masyadong strict ang kanilang coach.
Ramdam ko namang may ibang nakatitig sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Nang matapos ang kanilang mga drills ay grinupo na sila ng kanilang coach sa dalawang teams para sa isang match. Hindi familiar sa akin ang mga kagrupo ni Gabriel pero sa kabilang grupo ay magkasama sina Jaylord at si Cris, ang Captain nila.
Hindi ko alam kung matatawa ako pero hirap na hirap bantayan ni Jaylord si Gabriel at nakailang puntos na ito.
Ngayon ko lang din napansin na same pala sina Gabriel at Cris ng position sa basketball. Naisip ko tuloy bigla kung sino sa kanila ang mapapabilang sa first five. Pero sa pinapakita nilang laro ngayon, mas angat ang laro ni Gabriel kaysa sa kanilang captain.
"Hi!" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko kaya mabilis akong tumingin sa kanya at nalaman kong si Pristine pala iyon.
"Hi." bati ko rin sa kanya.
"You're the captain of the women's basketball team, right?"
Tumango ako bilang sagot.
"I'm Pristine by the way and you're Venus right?" Ngumiti ako sa kanya bago tumango. Ayoko sanang makipag-usap kasi gusto kong magfocus sa panonood pero itong tumabi sa akin ang daming sinasabi.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...