"VENUS!! WE WON AGAIN!!"
Bigla naman akong nagising nang marinig ko yung maingay na boses ni Papa. Ganyan yan kapag nananalo sila.
"Congratulations Pa pero ang ingay mo!" nakapikit kong sumbat bago muling sumandal at yumakap sa nasa tabi ko.
Nagtaka ako nang biglang gumalaw yung sinasandalan ko.
Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko at ganun nalang ang gulat ko nang makita ko ang mukha ni Gabriel na nakatingin sa akin.
Binaba ko yung tingin ko sa bandang kamay ko at doon ko napagtanto na siya yung niyayakap ko. Kaya pala matigas!
Pareho kaming nakahiga sa sofa at nakasandal ako sa dibdib niya habang nakayakap ang isang kamay ko sa baywang niya. Grabe ang lakas ko tsumansing kapag natutulog!
Pero saka ko lang napansin na nakapalibot din yung kamay niya sa aking braso kaya kinilig na naman ako.
Mukhang nakatulog din ito at nagising lang dahil sa ingay ni Papa at siguro dahil sa paggalaw at pagsigaw ko rin.
Bigla tuloy akong na-consious sa itsura ko at baka may laway pa akong naiwan sa damit niya. Diyos ko nakakahiya kapag nangyari 'yon! Pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala naman.
Rinig kong umakyat si Papa at siguro ay kakatukin ako sa aking kwarto. Hindi niya siguro kami napansin dito sa sofa dahil pareho kaming nakahiga ni Gabriel.
Mabilis naman kaming umupo ng maayos. Sakto namang pababa si Papa kaya doon niya lang kami napansin. Nagpanic pa ako at inayos yung buhok ni Gabriel dahil medyo nagulo.
"Andyan pala kayo. Napanood niyo ba yung game namin?" tanong ni Papa sa amin pagkaupo niya sa pang-isahang sofa.
Napatingin siya agad sa gitna namin ni Gabriel at doon ko lang napagtanto na sobrang magkadikit pala kami kaya medyo lumayo ako ng kaunti.
"Yes po Tito. Ang galing niyo po talagang magcoach."
Proud na proud naman si Papa sa narinig na papuri. Undefeated pa kasi yung team ni Papa, actually halos lahat ng teams na handle niya noon sobrang lumalaki yung winning percentage nila. Kaya nga highest paid coach si Papa pero kahit ganun ay humble pa rin naman siya. Sa akin lang nagyayabang 'yan.
Kaya ganun nalang siguro yung tampo niya sa akin kasi nga kapag nagkataon na winless kami sa darating na season, paniguradong kukutyahin siya ng mga co-coaches niya.
Alam ko namang kasalanan ko kung mangyayari 'yon kaya naman gagawin ko ang lahat mapa-champion lang ang team namin.
Sa bahay na nagdinner si Gabriel at sa buong oras na nandito siya simula nang dumating si Papa ay silang dalawa nalang ang magkausap. Nahuli pa ako ni Mama na umiirap kay Papa kaya ngumiti lang ito sa akin.
Alam ko naman kung bakit. Gusto rin kasi nila noon na magkaroon ng anak na lalaki ni Papa pero hirap magbuntis si Mama at ilang beses siyang nakunan noon na halos sumuko na silang magkaroon ng anak.
Pero nung ako na yung pinagbubuntis ni Mama, uminom na siya ng gamot na pampakapit para hindi na ulit mangyari sa kanya yung nangyari noon.
Sabi ni Mama noong nalaman daw na babae ako sobrang saya daw ni Papa na ikinataka ni Mama dahil ang hinihiling lang ni Papa noon ay lalaking anak. Pero doon siguro narealized ni Papa na kahit anong kasarian ay tatanggapin niya dahil blessing daw ako sa kanila dahil sa mga pinagdaanan nila ni Mama ay nagkaroon pa rin sila ng anak.
Hindi naman ako nagtatampo kay Papa nung nalaman ko iyon. Naiintindihan ko naman siya. Syempre passion niya yung basketball at gusto niya lang naman na may magmamana nun sa anak niya at kaya kahit hindi ako lalaki ay pinush niya pa rin akong magbasketball. Kahit volleyball talaga yung gusto ko.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...