"Bakit parang may kakaiba sa'yo ngayon?" wika ni Elle sa akin. Nasa loon kami ngayon ng aming classroom at kasalukuyang hinihintay ang aming professor.
"Anong kakaiba naman 'yon?" tanong ko rito.
"Simpleng shirt lang naman at pants ang palagi mong suot pero kakaiba yung aura mo ngayon, ang blooming mo." sagot nito habang titig na titig sa akin.
"Tumigil ka na sa kakaisip ako lang 'to, mas isipin mo yung next game natin kasi against Eastwood na agad tayo." pag-iiba ko sa usapan at nagtagumpay naman ako dahil bukambibig na agad niya yung paparating na final four game namin.
"Nakita ko lahat ng paghihirap niyo para makarating sa puntong ito ng kompetisyon kaya gusto kong patunayan niyo hindi lang sa akin kung di sa inyong mga sarili din na deserving kayong manalo. I want you all to show your strengths and willengness to play dahil wala akong balak na ibangko kayong lahat dahil lahat kayo ay importante sa team na ito. Everyone deserves to play but it's up to all of you to make that happen. Maliwanag ba?" mahabang saad ni Papa sa team bago magsimula ang aming practice.
Kasama niya rin ang ilan sa mga coaching staffs niya upang tumulong sa pagdevelop pa sa aming team para sa darating naming game against Eastwood dahil kailangan naming manalo.
Habang busy kami sa practice ay busy rin si Papa sa pagsasabi kay Elle ng mga bagay na napapansin nito sa kada players. Todo sulat naman si Elle sa kanyang notepad at matamang nakikinig kay Papa.
May ilang araw pa bago ang aming laro kontra Eastwood pero alam kong magiging handa kami sa pagsapit ng araw na iyon.
"How's your practice?" tanong ni Gabriel nang makasakay ako sa kotse niya at saka mabilis na humalik sa mga labi niya.
Dito pa rin ako sumasakay sa kotse ni Gabriel dahil pagkatapos ng prctice namin ay tutungo naman agad si Papa sa practice ng kanyang team sa professional league.
"Okay na okay. Strict si Papa pero masaya makinig at sumunod sa mga sinasabi niya sa amin." nakangiti kong sagot.
"That's great." ngumiti ito bago paandarin ang kanyang sasakyan.
At dahil pasok na nga kami sa final four, mas dumami pa ang mga interviews sa amin na kung minsan ay gusto ko nalang taguan dahil ako palagi ang iniinterview nila.
Hindi naman sa ayoko pero nakakaumay na din kasi ang mga paulit-ulit nilang tanong at ang hirap din ngumiti ng natural sa harap ng camera dahil hindi naman ako palangiti sa personal, kay Gabriel, sa pamilya at sa mga kaibigan ko lang.
"Bukas na ang game natin." wika ko kay Elle pagkatapos ng maagang practice namin ko kinabukasan.
"Game niyo lang no, hindi naman ako maglalaro." pabiro nitong sinabi.
Inirapan ko naman siya agad. "Maglalaro ka din no. Dito.." sabay turo ko sa aking sentido. "Mind games."
"Tsk!" natawa ako dahil for the first time walang naisumbat si Elle sa akin.
"Hi!" napalingon ako sa kung sino ang bumati sa akin dito sa cafeteria at nalaman kong si Cassie iyon.
"Hi!" excited kong bati rito. "Upo ka." sabi ko sa kanya at umupo naman ito sa tabi ko. Wala kasi si Gabriel at may practice ito. Mamaya ay pupunta ako sa gym para dalhan siya ng pagkain.
"Anong nakain mo at sumabay ka sa amin ngayon?" mataray na sabi ni Elle kay Cassie.
"Syempre maganda kasi ako." sumbat naman ni Cassie.
"Tsk! Layo ng sagot."
"Hayss mainitin talaga ulo ng mga single." pang-aasar ni Cassie kay Elle.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...