Chapter 2

16.4K 417 32
                                    

Mabuti nalang at lagi akong may dalang extra na damit kaya nakapagbihis agad ako matapos naming maglinis sa cr na iyon.

Yung isa hindi na tumuloy pumasok at unuwi na samantalang itong isa, kasama ko pa rin at ang walanghiya, nanghiram talaga ng damit ko.

As an athlete lalo na at basketball ang sports ko, madami talaga akong extrang damit sa bag ko, karamihan ay mga plain tshirts lang naman pero mas okay na yung ganun kaysa sa wala.

"Tara." aya nito sa akin matapos naming makapagbihis.

"Wait, daan muna ako sa club room ng women's basketball team." sabi ko sa kanya.

"Samahan na kita." tumango nalang ako dahil medyo hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa buong university.

Tulala kami ni Elle habang nakatitig sa harap ng pinto ng club room ng women's basketball team.

Paano ba naman, may markang ekis sa mismong pinto.

"Ito ba talaga 'yon?" tanong ko kay Elle.

"Oo, ayan oh tignan mo sa taas, nakalagay, WBT club room." sagot nito at iminuwestra kung saan nakalagay ang sign na iyon sa itaas ng pinto.

Huminga muna ako ng maluwag bago pinihit ang seradura ng pinto para pumasok sa room na iyon. Napatingin naman ako sa katabi ko na dahil sa mumunting ingay na ginagawa nito.

"Shut up." sabi ko dahil para na kaming nasa isang horror film dahil sa tunog na din ng bumubukas na pintuan.

Pagkabukas ko nang pinto ay bigla akong nakaramdam na parang may papalapit sa akin kaya naman mabilis kong iniharang ang kamay ko sa aking mukha at sinalo ang bolang patungo sa akin.

Gulat na gulat si Elle sa tabi ko dahil sa napakabilis na pangyayari.

"Nice catch!" mayabang na saad nang isang babaeng may maikling buhok, nakasuot ng isang maong pants at jersey na damit. She's pretty but a boyish type.

"Did you always do that?" tanong ko nang makapasok na sa club room. Sumunod naman sa akin si Elle na parang takot na takot pa din.

Ngumisi lang ito sa akin. Ipinalibot ko namab ang tingin sa buong club room pero bigla ko ding mabilis na ipinasa iyong bola sa kanya ng hindi niya namamalayan.

"Oops." I said nang hindi nito iyon masalo.

Ayaw ko sa lahat ay iyong pinapakitaan ako ng kayabangan, dahil hindi ako papatalo at gagawin at gagawin ko din iyon sa kanila.

"Yabang mo ah!" galit nitong sigaw.

"Well, sinong nagsimula? Kung hindi mabilis ang reflexes ko at kung itong kasama ko ang unang pumasok sa tingin mo anong mangyayari sa amin kapag hindi namin nasalo ang malakas na paghagis mo ng bola?" mariin ko ding sumbat sa kaniya.

"Ganyan ba makitungo sa mga teammates niya ang isang superstar? Napakayabang mo."

"Ikaw kaya itong nagsimula! Mga tao nga naman ngayon, masiyadong pavictim kahit sila ang may kasalanan." sumbat ni Elle tapos ay nagtago ulit sa likuran ko.

"Pero paano ba 'yan? Wala nang mapupuntahan yang kayabangan mo? Nagquit na lahat ng members ng basketball club na 'to at bukas ay ia-announce na ng Wilhelm sa SAU na wala silang team para sa Women's Basketball, sayang ka naman superstar. Sira agad ang career mo." sabi nito at nakangising tumingin muli sa akin bago tuluyang lumabas ng club room.

Tulala lang ako matapos marinig ang mga sinabi nito.

Hindi, hindi maari yun.

Mabilis akong lumabas para puntahan ang office ng sports committee ng Wilhelm para pakiusapan silang huwag muna nilang ipapasa ang mga participating list of sports na sasalihan ng Wilhelm.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon