Chapter 6

14.9K 361 9
                                    

"What the-!" nagulat ako nang pagbagsak na nilagay ni Elle ang mga librong dala nito sa mesang nasa harap ko. Nasa klase kami ngayon at wala pa ang aming prof.

"Hoy Venus! kanina pa ako nagsasalita sa harap mo pero kanina ka pa tulala sa bintana sa tabi mo. Ano bang meron diyan?" sabi nito at akmang sisilip din sa bintana pero hinarangan ko ang mukha nito gamit ang kamay ko at pinabalik sa kinatatayuan nito.

"Wala! Nag-iisip lang ako!" palusot ko pero ang totoo nakatanaw ako kay Gabriel na kasalukuyang nasa school ground ang klase nila para siguro sa kanilang gagawing outdor activity.

Hindi ko pa rin makalimutan noong nakatabi ko siya sa jeep isang linggo na ang nakakaraan. Iyon na ang huling beses na nakalapit ako sa kanya.

Hindi ko na rin ito nakikita kada umuuwi ako dahil sinusundo na ako ni Papa kahit medyo tampo pa rin siya sa akin.

Pero kahit ganun ay kinakamusta pa rin ako nito at ang team ko. Sa nakalipas na isang linggo ay mabilis na natuto ang mga teammates ko sa paglalaro ng basketball lalo na ang mga baguhan.

Isa na lang ang kulang sa amin. Iyon ay ang aming head coach. Sinubukan naman ng maghanap ni Elle pero agad silang tumatanggi oras na mabanggit nito na mula sa Wilhelm University  ang girls team na kanilang ico-coach.

Wala kaming choice kung hindi magsariling sikap sa pagtuturo. Maging sina Amethyst ay tumulong na din sa pagtuturo kaya mas naging madali para sa mga baguhan ang matuto.

Ngunit hanggang basic palang ang alam ng mga ito. Kung baga kapag nasa actual na laro na kami ay baka hindi pa kami makascore. Kailangan nila ng experience sa paglalaro kaya kinausap ni Elle ang president ng sports committee para sa isang tune up game. At iyom siguro ang sasabihin nito ngayon.

"Sasabihin ko lang sa'yo na pumayag na si president sa hinihiling natin at siya na daw ang bahala sa paghahanapnkung sinu-sinong team ang makakalaro natin." nakahinga naman ako ng maluwag sa ibinalita nito. Finally magkakaroon na ng game experience ang ibang mga teammates ko.

Tumanaw akong muli sa labas at napakunot noo ako dahil may katabing babae ngayon si Gabriel.

"Oh bakit ganyan naging itsura mo?" wika ni Elle na nasa harapan ko pa rin pala.

"Bakit magkadikit sila?!" medyo inis kong sinabi habang masama ang tingin kay Gabriel at sa babaeng katabi nito.

"Alin ang magkadikit?" nagugukuhabg tanong ni Elle at balak na naman sanang tumanaw sa bintana pero hinarangan kong muli ang mukha nito.

"Wala! Y-Yung dalawang unggoy- I mean isa lang pala! Magkadikit!" palusot ko.

"Huh?! May unggoy dito sa school?!" sigaw ni Elle dahilan kung bakit napatingin sa amin ang mga kaklase namin.

"Oo Elle! Madaming unggoy dito! Gaya ng katabi ko!" sumbat ng isa sa mga lalaking classmate namin.

"Gagu!" at binatukan siya ng katabi nito.

Natawa naman kaming pareho ni Elle at maging ang iba naming mga kaklase dahil sa dalawang 'yun. Sila kasi ang pinakamakulit dito sa aming klase.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang prof namin kaya umayos na kaming lahat. Minsan pa akong tumanaw sa bintana at napasimangit dahil katabi pa rin ni Gabriel yung unggoy.

Ibinaling ko nalang ang atensyon sa aming klase at nakinig sa itinuturo ng aming professor.

Nang matapos ang klase namin ay nag-aya si Elle na maglunch kami sa cafeteria. Pumayag naman ako at pagdating namin doon ay naghihintay na pala ang iba namibg mga teammates. Agad kaming lumapit sa kanila.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon