"Thank God." nakahinga kami ng maluwag nang sabihin ng doctor na hindi ko na kakailanganin ng surgery dahil kapag nangyari iyon ay kailangan ko talaga ng mahabang recovery time at hindi pwede iyon dahil magsisimula na ang second round. I'll just take some rest for about four to six weeks.
And now, all I can do is to pray and trust my teammates for the upcoming games without me.
"Ma, nasaan si Papa?" tanong ko kay Mama dahil magmula nang magising ako at magpunta ang doctor dito ay wala pa rin siya.
Huling naalala ko ay buhat-buhat niya ako palabas ng court bago ako nawalan ng malay.
Over-fatigued daw ang nangyari sa akin at dumagdag ang injury ko kaya mas lalong nanghina yung katawan ko. Natakot pa ako nang sabihin ng doctor na kung may isang quarter pa daw akong naglaro ay baka doon na ako i-surgery.
"May pupuntahan daw sila ni Gabriel." sagot ni Mama.
"Kanina pa po?" tumango naman si Mama bago tumayo at lumabas. Pagbalik nito ay kasama na yung mga teammates ko.
"Captain!!!" sigaw agad nung kambal.
Yayakap sana ang mga ito sa akin nang hilahin sila ni Elle at saka itinuro yung sling sa braso ko. Oo nga pala, kailangan kong magsuot ng ganito para hindi ko masyadong maigalaw itong injured shoulder ko.
"Ay sorry." sabay ulit nilang sabi. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Pasensya na hindi ko naipasok yung huling tira ko." sabi ko sa kanila pero mabilis silang umiling.
"Hindi na mahalaga yun Captain, ang mas importante maging ayos ka. Magcha-champion pa tayo kaya pahinga ka lang ng mabuti." saad ni Claire.
"Salamat." sabi ko bago lumingon kay Amethyst.
"Amethyst." tawag ko sa kanya na tahimik lamang sa dulo. Nagtatakang lumapit ito sa akin.
"Simula ngayon, ikaw na ang co-captain at habang nagpapahinga ako, ikaw muna ang bahala sa kanila." sabi ko rito. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"P-Pero..." alanganin nitong saad.
"I trust you." singit ko agad sa sasabihin nito. Alanganin itong tumango pero natigilan ito nang magsalita ang iba naming teammates.
"Kaya mo 'yan Amethyst!"
"Promise hindi na kami magbibigay ng sakit sa ulo para hindi ka masyadong mahirapan sa amin." saad nung kambal.
"Oo nga. May tiwala kami sa'yo na kaya mong i-lead ang team." sabi naman ni Elle.
"Then I will do my best." mahinang wika nito na nagpatawa sa lahat.
"Bago mangyari yun, kailangan mong lakasan yung boses mo para matakot sa'yo itong dalawang kambal." biro ni Elle. Ngumiti nalang si Amethyst.
"Siya nga pala, nakakapagtaka lang kanina dahil yung mga referees parang against sa atin?" banggit ni Elle. Napaisip naman ako doon.
Alam ko sa sarili kong technical foul yung nangyari sa akin at may tatlong segundo pang natitira pero wala man lang itinawag na violation doon bagkus ay dineklara nang panalo ang Eastwood.
"Oo nga, tayo kaya yung nabugbog sa mga fouls na di naman natin nagawa." sabi naman ni Claire bago itinaas yung shirt niya at ipinakita yung part sa tiyan niya na nasiko kanina at sobrang pula na nun. Sa tingin ko magkakapasa iyon bukas.
"At nakakagigil yung huling ginawa ni Brittany kay Captain. Balita ko pa nga nag-away daw sila nung Niles sa dugout dahil dun."
Si Niles? Bakit?
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...